24-man Gilas pool sa FIBA Asia Cup qualifiers inilabas na | Bandera

24-man Gilas pool sa FIBA Asia Cup qualifiers inilabas na

Melvin Sarangay - , January 10, 2020 - 06:28 PM

LABING isang professional players at anim na amateur cagers ang idinagdag sa Gilas Pilipinas men’s pool para sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers.

Ito ang inanunsyo ng Philippine Basketball Association (PBA) sa kanilang website Biyernes ng hapon.

Kabilang sa mga PBA players na nakasama sa nasabing pool sina Magnolia Hotshots forward Marc Pingris, Barangay Ginebra Gin Kings forward Japeth Aguilar, Phoenix Fuel Masters swingman Matthew Wright, Blackwater Elite forward Mac Belo, Columbian Dyip swingman CJ Perez, NorthPort Batang Pier forward-center Christian Standhardinger, NLEX Road Warriors cagers Kiefer Ravena at Poy Erram, at TNT KaTropa players Troy Rosario, Roger Pogoy at Ray Parks Jr.

Kabilang din ang mga collegiate standouts na sina Dave Ildefonso ng National University Bulldogs, Justine Baltazar ng De La Salle University Green Archers, ang University of the Philippines Fighting Maroons players na sina Kobe Paras at magkapatid na sina Juan at Javi Gomez de Liaño at Fil-Am guard Dwight Ramos ng Ateneo Blue Eagles sa listahan ng pagpipilian para makasama sa final roster ng koponan na isasabak sa unang window ng FIBA Asia Cup qualifiers na magsisimula ngayong Pebrero.

Nauna nang napabilang sa pool ang mga PBA rookies na sina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi at magkapatid na sina Matt at Mike Nieto bago isinama sina Thirdy Ravena at Jaydee Tungcab.

Hindi naman nakasama sina five-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo at Jayson Castro sa nasabing listahan.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial nailatag ang 24-man pool sa isinagawang PBA Board meeting nitong Huwebes ng hapon.

Nauna namang sinabi ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio na namimili pa ang asosasyon ng interim coach para sa kampanya ng koponan sa FIBA Asia Cup qualifiers.

Nakatakdang sumabak ang Pilipinas sa dalawang road game sa Pebrero at ito ay kontra Thailand (Pebrero 20) at Indonesia (Pebrero 23).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending