Bakit si Bistek ang tatay ni Liza sa Make It With You?
Magbabalik-telebisyon na nga ang dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista makalipas ang anim na taon.
Naisulat na namin dito ang tungkol sa muling pagsabak ni Bistek sa akting via the latest Kapamilya series na Make It With You starring Liza Soberano and Enrique Gil.
Sa lumabas na bagong teaser ng serye, ipinakilala na si Herbert bilang ama ni Billie (Liza), na gaganap namang isang OFW sa Croatia, kung saan makikilala niya ang homeless na si Gabo (Enrique).
Siguradong na-excite si Bistek sa pagbabalik niya sa telebisyon at alamin kung bakit siya ang napiling tatay ni Liza sa MIWY. Tiyak na magiging memorable ito para sa dalawa. Kasama rin pala rito ang kapatid niyang si Hero Bautista sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.