Pagtaas ng presyo ng bilihin paghandaan na natin! | Bandera

Pagtaas ng presyo ng bilihin paghandaan na natin!

Alan Tanjusay - January 07, 2020 - 12:15 AM

MABIGAT ang simula ng taong 2020 sa ating lahat.
At dahil diyan i-expect mo na tataas ang presyo ng mga basic commodities and services ngayong unang apat na buwan ng taon bunsod nga ng ginawang pag-atake ng US military sa Iran noong Enero 3 na ikinamatay ng famous Iranian general and his deputy sa Baghdad, Iraq.
Kaya naman ngayon ay nag-aalsa ang mga Iranian at nangako na ipaghihiganti ang pagkamatay ng pamoso nilang heneral na si Qasem Sulaimani.
This means, lalaki pa ang gulo sa Middle East na siyang pangunahing source ng langis ng Pilipinas.
Dahil sa pag-atake noong Friday sa Iranian general, tumaas na agad ang presyo ng oil from 4.3 percent to 4.4 percent.
Inaasahan na tataas pa ang presyo ng oil kung kaya’t malaki ang epekto nito sa ating mga working people bilang ordinaryong mamamayan.
Before these attacks, naka-schedule na ngayong January 2020 ang dagdag na P1.50 sa presyo sa kada litro ng gasolina at LPG.
Kung lumala ang sitwasyon sa Middle East, maraming mga kababayan nating OFWs ang posibleng mawawalan ng trabaho at mababawasan ng malaki ang dollar remittance natin na siyang bumubuhay sa ating domestic economy.
Ibang usapan din kung papaano mamo-monitor at mako-control ng gobyerno ang ang mga price surge mula sa mga mapagsamantalang negosyante o racketeers who will impose additional prices unnecessarily and take advantage of the government weakness.
Sunod-sunod at malaki ang impact ng mga ito sa atin kung kaya’t kailangan ng paghahanda sa ating bahagi sa harap ng mga pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin gaya ng bigas, isda, karne, gulay, tinapay, sardinas, kape, asukal at iba pa. Ganun din ang pagtaas sa pamasahe, presyo ng kuryente at tubig, tuition fees at marami pang iba. Kaya ngayon, kapit lang tayo nang mabuti!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending