Carla naalarma sa dog meat trade sa Maynila, nagsumbong kay Yorme
INIREKLAMO ng ilang concerned citizens kay Mayor Isko Moreno ang balitang talamak umano sa ilang bahagi ng Maynila ang pagbebenta ng karne ng aso.
Ito’y bilang suporta na rin sa panawagan ng Kapuso actress na si Carla Abellana na itigil na ang dog meat trade kasabay ng pagkondena sa balitang mismong ilang pulis at barangay officials ang umano’y sangkot dito.
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Carla ang post ng animal rescue group na PAWSsion Project tungkol sa pagkatay sa mga aso sa isang lugar sa Paco, Manila.
Dito nakasaad na mismong mga residente sa lugar ang nagsumbong sa nangyayaring katayan at bentahan ng karne ng aso ngunit wala pang kumpirmasyon ang mga otoridad hinggil sa mga ibinuking ng PAWSsion Project.
Narito ang ilang bahagi ng IG post ni Carla, “How will you report this to the authorities if they, themselves, are behind it?”
“DOG MEAT TRADE ALERT It is now 2020, but yes, it is still happening everywhere in the country. And yes, it is ILLEGAL to sell/trade dog meat for consumption.”
Pagpapatuloy pa ng Kapuso star, “However, what’s even worse is that even those in power (i.e. police officers and baranggay officials) participate in this revolting practice.”
Aminado naman ang girlfriend ni Tom Rodriguez na may kahinaan pa ang batas sa bansa na nagpoprotekta sa mga hayop.
“Also, it is extremely difficult to win cases involving offenses against our so-called Animal Protection Law. When will we take animal rights seriously???
“It is exhausting to know that while we use up all our resources just to save dogs in danger, there are individuals out there who do not value other beings’ lives,” lahad pa ng dalaga.
Kaugnay nito, nagbigay din ng warning si Carla sa posibilidad ng rabies outbreak dahil sa pagkatay ng mga “rabid animals.”
“P.S. While it is highly unlikely that people eating cooked meat from a rabid animal would acquire the virus, slaughtering rabid animals poses as a high risk for a rabies outbreak,” sey pa ni Carla.
Nanawagan din ang aktres sa kanyang 1.5 million Instagram followers na sana’y maiparating nila kay Yorme Isko Moreno ang tungkol sa dog meat trade sa Maynila.
“Anyone who has connections with mayor @isko_moreno , please help us get the word out.
“@pawssionproject has been receiving so many awful reports on the strays of Manila and the pound situation remains the same,” aniya pa.
Marami namang netizens ang kumampi kay Carla lalo na ang mga aminal welfare advocates at agad itinag si Mayor Isko sa post ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.