SB19 bentang-benta sa I Can See Your Voice; swak din sa comedy | Bandera

SB19 bentang-benta sa I Can See Your Voice; swak din sa comedy

|January 06,2020
facebook
share this

SB19 bentang-benta sa I Can See Your Voice; swak din sa comedy

- January 06, 2020 - 12:20 AM

ENJOY na enjoy ang mga miyembro ng sikat na sikat na ngayong boy group na SB19 sa guesting nila sa I Can See Your Voice last Saturday sa ABS-CBN.

Walang ginawa sina Sejun, Josh, Stell, Ken, at Justin kundi tumawa nang tumawa dahil sa mga kalokahan at walang kupas na paandar ng mga celebrity Sing-vestigators ng top-rating mystery music game show ng Kapamilya Network hosted by Luis Manzano.

Bentang-benta sa SB19 ang mga punchlines at hiritan nina Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, Wacky Kiray, Andrew E, Kalad Karen at Jobert Austria na naging regular na rin sa programa dahil sa kanyang mga pamatay na hirit!

Pero siyempre, hindi rin nakiligtas sa manonood ang hiritan ng limang members ng grupo. Dito napatunayan ng madlang pipol na hindi lang magaling kumanta at sumayaw ang SB19 – pwedeng-pwede rin silang maging artista at sumabak sa comedy dahil sa galing ng timing nila sa pag-punchline.

And of course, napatunayan ng K-Pop inspired Pinoy boy band na magaling sila sa panghuhula kung sinu-sino ang mga Seen-tunado sa mga contestants at kung sino ang mga certified Seengers!

Sa ending, ang huling contestant na napili nila ay isang tunay na See-nger, si Shy Ba Ang Dahilan o
Sheen Escano sa tunay na buhay na isang call center agent at Education graduate at Board Passer.

In fairness, nananatili pa ring number one sa ratings game ang I Can See Your Voice tuwing Sabado after Maalaala Mo Kaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending