Coleen Garcia naglabas ng ebidensya sa relasyong James-Nadine | Bandera

Coleen Garcia naglabas ng ebidensya sa relasyong James-Nadine

Ervin Santiago - January 06, 2020 - 12:10 AM

NAGBIGAY ng resibo si Coleen Garcia para patunayan na magkasama talagang nag-celebrate ng Bagong Taon sina James Reid at Nadine Lustre.

Ito’y sa gitna nga ng chika na naghiwalay na raw ang magka-live in matapos magkaroon ng matinding away bago pa pumasok ang New Year. Balitang lumayas na raw si Nadine sa bahay na tinitirhan nila ni James pero hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon ang balita.

Sa mga hindi pa nakakaalam, napalapit si Coleen sa JaDine dahil kaibigan ng mister niyang si Billy Crawford ang magka-loveteam at sinabi nga nito sa ilang members ng entertainment media na kasama nila sina James at Nadine sa pagsalubong ng 2020.

Kasama sina Billy at James sa mga artists na nag-perform sa New Year Countdown sa Bonifacio Glocal City, Taguig, noong Dec. 31, 2019.

Kuwento ni Coleen sa New Year celebration nila sa nakaraang presscon latest movie niyang “Mia”, “Tahimik lang, e, nag-countdown siya sa BGC, kasama namin sina Sam Concepcion. Nandoon din si Bamboo and then, after that, we just went to our friend’s house.”

At dito na nga niya naikuwento na kasama nila sina James at Nadine last Dec. 31, “Actually, yes, kasama namin sila after the countdown.”

Pero paglilinaw niya, “Sinasabi ko lang naman, nakasama namin sila. Wala naman akong ibang sinasabi.” Dagdag ng aktres, hindi siya aware sa umano’y break up nina James at Nadine?

“Hindi, e. Yung kay Billy nga, hindi ako aware, sa sariling kong asawa, sa ibang tao pa kaya?” aniya pa.

Kumusta naman ang JaDine noong New Year countdown? “Base sa na-observe ko, I mean, the fact na magkasama sila, isn’t that enough for you? I mean, everybody’s okay, everybody’s okay.

“Yun yung importante, everybody’s happy. Whatever their issue is, I’m sure they can answer that,” dugtong ng misis ni Billy.

Super close ba siya sa magdyowa? “We’re friends. They talk to us minsan if may problems, and the same din lang naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ako, just regular friendship, pero hindi naman super, super, super close. But, yes, we’re friends,” sey pa niya.

Habang sinusulat namin ang artikulong ito, wala pang inilalabas na official statement sina James at Nadine tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending