Barangay Ginebra, Meralco sisimulan ang ikatlong PBA Governors' Cup Finals duel | Bandera

Barangay Ginebra, Meralco sisimulan ang ikatlong PBA Governors’ Cup Finals duel

Melvin Sarangay |January 06,2020
facebook
share this

Barangay Ginebra, Meralco sisimulan ang ikatlong PBA Governors’ Cup Finals duel

Melvin Sarangay - January 06, 2020 - 10:58 PM

 

Laro Ngayong Martes (Enero 7)
(Smart Araneta Coliseum)
7 p.m. Barangay Ginebra vs Meralco
(Game 1, best-of-7 championship series)

SA ikatlong pagkakataon ay maghaharap ang Barangay Ginebra Gin Kings at Meralco Bolts para sa kampeonato ng 2019 PBA Governors’ Cup.

Kaya naman inaasahan ang mas matinding bakbakan sa makasaysayang sagupaan sa pagitan ng Gin Kings at Bolts.

Magtatapat ang Barangay Ginebra at Meralco ganap na alas-7 ng gabi ngayong Martes sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City kung saan mas mainit na salpukan ang inaabangan kumpara sa nauna nilang title showdown noong 2016 at 2017.

May kaunti mang pagbabago sa kanilang lineup ay naroon pa rin ang  mga inaasahang manlalaro ng bawat koponan.

Lumakas ang Bolts matapos makuha sina Raymond Almazan, Allein Maliksi at Bong Quinto.

Napanatili naman ng Gin Kings ang solidong lineup at lumakas pa ang backcourt nito sa pagpasok ni Stanley Pringle.

Hangad ng Barangay Ginebra na mabawi ang korona na nawala sa kanila noong isang taon habang asam ng Meralco na mauwi ang kanilang unang titulo.

Bagamat parehong may PBA Grand Slam coach sa katauhan nina Tim Cone ng Barangay Ginebra at Norman Black ng Meralco maliban pa sa mahuhusay na import kina Justin Brownlee ng Gin Kings at Allen Durham ng Bolts, ang hangaring mauwi ang korona at ang kahandaan sa pangkampeonatong serye ang magsisilbing susi para sa dalawang koponan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending