Aktor mahihirapang makuha uli ang pagmamahal ng mga anak
AYON sa mga nakakaalam sa totoong sitwasyon ngayon ng dating mag-asawang personalidad ay mahihirapan talaga ang lalaki na makuha uli ang kalooban ng kanilang mga anak.
Kahit ano pang paraan ang gawin ng aktor ay parang balewala lang ‘yun para sa mga anak nila ng nakahiwalay niyang aktres.
Kuwento ng isang source, “Why only now? Napakahabang panahon na ang nakalipas na wala naman siyang pakialam sa mga anak nila nu’ng girl, tapos ngayon, e, saka siya nagkukumahog na ma-win back ang mga anak nila?
“Hindi na mangyayari ang gusto niya, mahihirapan na siyang makuha pa uli ang loob ng mga anak nila!” napapailing na chika ng aming impormante.
Malalim pala ang kuwento kung bakit. May kamalayan na ng mga anak ng dating mag-asawa nu’ng maganap ang kanilang hiwalayan.
Patuloy ng aming source, “Pinabayaan niya naman kasi ang mga anak nila, tinikis niya ang mga bata. Kung galit siya sa ex niya, e, bakit kasi idinamay niya pati ang mga anak nila?
“Kunin ba ang lahat ng naipundar nilang sasakyan? So, nakakaawa ang mga bata, walang magamit na car sa pagpasok nila!
“Nagpadala siya ng isang van, pero palagi namang sira! Talagang matatandaan ‘yun ng mga anak nila, malalaki na sila nu’n, meron na silang maaalalang masasakit na karanasan kung paano sila pinabayaan ng father nila!
“Tapos ngayon, e, gusto niyang makuha uli ang loob ng mga bagets? Mahihirapan na siya, kailangan siguro niyang gumawa ng marami pang magagandang dahilan para makuha ang amor sa kanya ng mga anak nila nu’ng female personality.
“Natural, sa poder ng mommy nila naiwan ang mga bagets, ano pa ba naman ang maaasahan natin? Huwag na ‘yung factor ng brainwashing, nakita ng mga bata ang paghihirap ng mommy nila nu’ng magkakasama pa sila!
“Naku, hindi mga sanggol ang involved sa issue na wala pang kamalay-malay, malalaki na ang mga anak nila, kaya talagang hindi pa makuha ng male personality ang pagmamahal ng mga anak nila.
“Magsimba muna siya sa Sta. Cruz church, baka sakali pang makita niya ang pagsikat ng araw, hindi puro sunset lang!” pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na kung sinu-sino sila, di ba? Go na!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.