2K toneladang basura nahakot sa Baguio matapos ang kapaskuhan | Bandera

2K toneladang basura nahakot sa Baguio matapos ang kapaskuhan

- January 03, 2020 - 04:13 PM

UMABOT sa 200 toneladang basura kada araw ang nahakot sa Baguio City sa peak season ng mga turista mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 30, 2019.

Umaabot sa 170 toneladang basura  ang regular na nahahakot kada araw mula sa mga residente, bagamat tumaas ito ng 30 porsiyento ngayong kapaskuhan, ayon sa Baguio public information, base sa datos mula sa general services office.

Dinadala ng Baguio government ang mga basura sa isang sanitary landfill sa Urdaneta City, Pangasinan at hiniling sa kompanya ng magsagawa ng operasyon kahit holiday para maitapon ang mga basura, ayon pa sa  PIO.

Sinabi naman ng Department of Public Works and Highways na umabot sa 70,077 sasakyan ang umakyat sa  Baguio mula Disyembre 21 hanggang 25.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending