Nadine may banta kay James kapag nakipaghiwalay | Bandera

Nadine may banta kay James kapag nakipaghiwalay

Julie Bonifacio - January 02, 2020 - 12:30 AM

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

AYAW papigil ng aming showbiz insider friend sa pagkuwento tungkol sa reel-and-real life partners na sina James Reid at Nadine Lustre.

Nu’ng una’y tinanong niya kami kung kumusta na raw ang magdyowa at kung may naririnig ba kami about them.

Ang latest na narinig namin ay si Nadine na aalis na raw sa pangangalaga ng Viva Artists Agency at lilipat na sa bagong tayong talent management ni James.

Bukod diyan, may mas latest daw siyang tsika kina James at Nadine. Ayon sa aming source, madalas daw mag-away ang magkasintahan. Worry ng mga concerned friend nila ay baka tuluyan nang mauwi sa hiwalayan ang JaDine.

Pero ang mas nakakabahala ay yung may sinabi pa umano si Nadine na kapag naghiwalay sila at tuluyan na siyang iwan ni James, magpapakamatay daw ang dalaga?

E, tini-take nila seriously ang banta ni Nadine since knows naman ng marami kung gaano niya ibinuhos ang panahon niya at halos ibigay niya lahat dahil sa sobrang pagmamahal kay James.

One more thing, ‘di ba’t nagpakamatay din ang younger brother ni Nadine a few years ago? Naku, we wish na walang katotohanan ang chikang ito. Sa personality kasi ng aktres, feeling namin matigas at hindi nagpapatinag sa anumang pagsubok ang dalaga.

And if ever, sinuman sana ang mga malalapit sa dalawa especially kay Nadine ay ipagdasal siya, suportahan at make their presence felt beside her.

Nakakaalarma ang balitang ito lalo pa’t maraming artista ang dumadaan sa depresyon at yung iba ay nagpapakamatay tulad na lamang ng dating Kapamilya star na si Mico Palanca.

Dasal at marami pang dasal para sa buong industriya. Salubungin natin ang 2020 ng may malalim na pananampalataya at pananalig sa Diyos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending