Bayaran sa MMFF 2019 fake news; may karapatang manalo ang 'Mindanao' ni Juday | Bandera

Bayaran sa MMFF 2019 fake news; may karapatang manalo ang ‘Mindanao’ ni Juday

Jun Nardo - December 31, 2019 - 12:25 AM

JUDY ANN SANTOS AT ALLEN DIZON

AYAW pa ring tigilan ang pagbanat sa pagkapanalo ng pelikulang “Mindanao” ni Judy Ann Santos bilang Best Picture sa ginaganap na 2019 Metro Manila Film Festival.

Maganda ang movie at magagaling ang nagsipagganap kaya ito ang pinanalo ng mga MMFF jurors. Ganoon lang kasimple ‘yon.

Pero ang pinag-uusapan ngayon ay ang pinalulutang na balitang nagkabayaran daw ng P1 million, huh! Eh, sa listahan ng mga nirerespetong pangalan na nasa jurors list na inilabas sa social media, juice ko Lord, magpapabayad ba sila?

Saka para sa kaalaman ng lahat, iginapang ni direk Brillante Mendoza ang budget para magawa ang movie, tapos magbabayad pa siya ng P1 million para lang manalo sa filmfest?

Hindi na bago ang sourgraping sa mga talunan sa ganitong labanan. Mag-iimbento ng isyu at ikakalat kahit wala namang katotohanan, huh!

Eh, kung manalo man si Allen Dizon bilang best actor, deserving naman niya dahil ilang beses na siyang nanalo sa international film festival.

Sa totoo lang, dumarating din ang panahon na nagkakaroon ng changing of the guards pagdating sa mga gumagawa ng movie o filmmakers.

Hindi porke award winners ang iba sa nakaraang panahon, eh, dapat nang bigyan uli ng award sa panahon ngayon.

Ultimo nga sina Nora Aunor at Vilma Santos, nakararanas din ng pagkatalo, ano pa kaya ‘yung ibang consistent winners kapag festival?

At least, sa huling hirit ng taon eh, nagkaroon pa ng malakas ng ingay dahil sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng Metro Manila Film Festival, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nothing is new anymore!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending