Alden magpapasabog ng swerte sa Countdown 2020 ng GMA | Bandera

Alden magpapasabog ng swerte sa Countdown 2020 ng GMA

Jun Nardo |December 31,2019
facebook
share this

Alden magpapasabog ng swerte sa Countdown 2020 ng GMA

Jun Nardo - December 31, 2019 - 12:20 AM

ALDEN RICHARDS

Magpakasaya ngayong gabi sa Seaside ng Mall of Asia Arena dahil handang-handa na ang mga Kapuso stars na pasayahin at aliwin kayo bilang bahagi ng GMA New Year’s Countdown to 2020.

Pangungunahan ng Asia’s Multimedia Star at bida ng seryeng The Gift na si Alden Richards ang programa.

Fresh from South Korea si Alden kasama ang buong pamilya. Talagang inilaan niya ang araw na ito para maging bahagi ng pagsalubong ng GMA sa 2020.

Bukod sa The Gift, magiging bahagi rin siya ng bagong weekly musical comedy show na All Out Sunday ng Kapuso network simula sa Jan. 5, 2020.

Naging maganda ang taong 2019 para kay Alden at mas magiging abala pa siya ngayong 2020.

Mabait na anak, professional sa trabaho at may pananalig sa Diyos. ‘Yan ang ilan sa natatanging qualities ni Alden kaya anuman ang bira sa kanya, hindi naaapektuhan ang pagdating ng blessings sa kanya!

Happy 2020 sa lahat ng readers ng BANDERA!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending