Hunk actor sinungaling na, manggagamit pa; 2 female star nabiktima | Bandera

Hunk actor sinungaling na, manggagamit pa; 2 female star nabiktima

Cristy Fermin |December 31,2019
facebook
share this

Hunk actor sinungaling na, manggagamit pa; 2 female star nabiktima

Cristy Fermin - December 31, 2019 - 12:15 AM

HANGGANG ngayon ay laman pa rin ng mga kuwentuhan ang pagiging manggagamit ng isang hunk actor. Idinedepensa siya ng kanyang mga kapamilya, hindi raw siya user, pero mas marami ang naniniwala na ipinaglihi nga siya sa hinog na mangga.

May mga nakarelasyon na siyang artista, maganda sa umpisa ang kuwento ng kanilang pagmamahalan, pero habang tumatagal ay umaasim ‘yun na nauuwi na sa hiwalayan.

Kuwento ng aming source, “Nu’n pa kilala sa pagiging user ang hunk actor na ‘yun! Suwerte nga siya, hindi masyadong nagsalita nu’n ang isang female personality na nakarelasyon niya!

“Talaga namang umasa na lang siya sa girl na ‘yun porke yayamanin, di ba? Saka may kalokohan ang male personality na ‘yun, pinalabas pa niyang may malawak silang plantation ng ubas sa bansa nila, pero fake news lang naman pala ‘yun!

“Nalaman ng girlfriend niya na hindi naman pala sila ang owner ng plantation, nagtatrabaho lang pala du’n ang fadir niya, sa totoo lang!

“Kumbaga dito sa atin, e, katiwala lang naman pala sa patanimang ‘yun ang tatay niya, hindi sa kanila ang pataniman ng ubas, buking ang drama niya dahil matanong ang ex niya sa mga nakakausap nila!

“Panay-panay pa nga ang pagtatanggol sa kanya ng sister niya, hindi raw kailangang manggamit ng hunk actor, dahil maganda ang kabuhayan showcase nila sa bansang pinanggalingan nila!” nakataas ang kilay na kuwento ng aming impormante.

Nagkaroon uli ng karelasyong aktres ang hunk actor, ganu’n din ang kuwento, napagod na kuno ang girl sa pagbuhay sa pamilya ng male personality.

“‘Yun na! Confirmed, di ba? Walang ipinagkaiba ang kuwento ng dalawang girls na nakarelasyon niya! Parehong-pareho! Walang datung ang hunk actor!

“Hindi rin totoong mayaman sila dahil sa kanya lang naman pala umaasa ang family niya! E, wala naman siyang regular work, kaya paano niya bubuhayin ang family niya!

“Natural, mapapagod talaga ang kahit sinong makakarelasyon niya kapag ganu’n. Mawawalan ng respeto sa kanya ang mga girls, dahil umaasa lang siya ng mga biyaya mula sa babae!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku, aanhin mo nga naman ang isang lalaking macho, kung ganu’n naman pala ang ginagawa niya? Macho, macho, kaya n’yo ba ‘to?” pakanta pang pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, bigay na bigay na kung sino ang macho personality na ito, ha?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending