2 Pinay na nasawi sa pag-araro ng kotse sa Singapore iuuwi ng DFA; 2 pa nasa ICU
SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakikipag-ugnayan na ito sa mga otoridad para maiuwi ang mga labi ng dalawang Pinay na nasawi matapos ang nangyaring aksidente sa Singapore.
Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na dalawang iba pang Pinay ang nasa intensive care unit (ICU), samantalang nasa ligtas nang kalagayan ang dalawang iba pa, base na rin sa ulat ng Philippine Embassy sa Singapore.
Namatay ang dalawang Pinay matapos mawalan ng kontrol ang isang kotse at inararo ang anim na biktima sa Lucky Plaza mall sa Singapore Linggo ng hapon,. Nagdulot ito ng pagkasugat ng apat na iba pang kababaihan.
“The DFA stands ready to provide all the assistance needed for the victims. The DFA, through the Embassy, is now in touch with authorities for the repatriation of the remains of the Filipino casualties,” ayon pa sa DFA.
Nagpahatid din ang DFA ng pakikiramay sa pamilya ng dalawang Pinay na nasawi sa aksidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.