NASAWI ang isang lalaki matapos na masagasaan habang tumatawid sa EDSA, Quezon City kaninang umaga.
Isa umanong palaboy at nangangalakal ang biktima na hindi pa batid ang pangalan.
Binabagtas ng puting van na minamaneho ni Lauro Salazar ang Santolan flyover sa EDSA ng bigla umanong tumawid ang lalaki ala-1 ng umaga.
Tumama ang lalaki sa windshield ng sasakyan dahilan upang mabasag ito. Agad na binawian ng buhay ang lalaki.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending