Anak ni Meryll kay Bernard gusto ring mag-showbiz, pero bawal pa | Bandera

Anak ni Meryll kay Bernard gusto ring mag-showbiz, pero bawal pa

Reggee Bonoan |December 27,2019
facebook
share this

Anak ni Meryll kay Bernard gusto ring mag-showbiz, pero bawal pa

Reggee Bonoan - December 27, 2019 - 12:40 AM

MERYLL SORIANO AT ELIJAH PALANCA

VERY proud mommy si Meryll Soriano sa anak niyang 12 years old na si Elijah Palanca dahil lumaki itong napakabait at napakalambing na bata. Hindi raw ito nahihiyang i-kiss siya kahit sa harap ng maraming tao.

Kadalasan kasi sa mga anak na lalaki kapag lumampas na sa 10 taong gulang ay nahihiya nang humalik sa magulang lalo na sa nanay dahil baka masabihang mama’s boy.

Kasama ni Meryll ang kanyang unico hijo sa nakaraang Black Carpet premiere ng pelikulang “Culion” na palabas na ngayon sa mga sinehan at super proud ang bagets sa kanyang mommy dahil maraming nagsasabing pang-best actress daw ang acting nito sa movie.

At dahil init na init si Elijah kaya panay ang punas ni Meryll ng pawis nito, “Siyempre ayaw ko namang bini-video n’yo tapos puro pawis,” saad ng aktres.

Si Elijah ay anak nina Meryll at Bernard Palanca at panganay na apo naman ni Willie Revillame. Kaya hindi kataka-takang sundan ng bagets ang yapak ng mga magulang dahil nabanggit niyang gusto rin niyang mag-showbiz.

“Sabi ko sa kanya, tapusin muna niya ang school bago siya mag-artista para may fallback siya,” say ni Meryll. Napangiti naman si Elijah sa amin at nangakong susundin ang bilin ng ina.

Pero kapag may TV guestings ay okay lang kay Meryll dahil hindi naman mahabang oras ang kakainin nito. Hindi naman daw siya mahigpit na nanay, “Balance lang, hindi masyadong mahigpit, hindi rin masyadong maluwag, sakto lang. Nakakapag-mall siya kasama ang mga kaibigan, actually puwede rin siyang mag-sleep over, kararating nga lang niya sa bahay.”

Walang social media accounts si Elijah pero may cellphone naman. At sa tanong kung nabigyan na ba siya ng jacket ng lolo Willie niya, “Ppo!” mabilis na sagot ng bagets.

Anong tatak? “Wowowin!” tumawang sabi ni Meryll.

Type ba ni Elijah na mag-guest sa programa ng lolo niya, “Opo, gusto ko.” Sabay hirit ni Meryll ng, “Gusto niya uling mabigyan ng jacket! Ha-hahaha!”

Bukas ang komunikasyon ng mag-inang Meryll at Elijah kaya panatag ang loob ng una sa anak. Sa tanong namin kung close si Elijah sa kanyang amang si Bernard, “Opo, close po,” sambit ng binatilyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending