Master Hanz may payo sa pagsalubong sa Bagong Taon
BAGO ang pagsalubong ng Bagong Taon sa susunod na linggo, mayroong payo ang feng shui expert na si Master Hanz Cua sa mga nais na suwertehin ang 2020.
Sa pagsalubong sa bagong taon, sa sala (living room) maaari umanong papasukin ang suwerte sa bahay sa pamamagitan ng pagbubukas ng pinto, bintana at ilaw.
Kung mayroong sira ang pintuan, dapat umano ay ayusin ito at pinturahan kung kinakailangan. Dapat ay lagyan din umano ito ng maliwanag na ilaw.
Ayon kay Master Hanz dapat ay malagay ng welcome mat upang ma-welcome sa bahay ang opportunity energy.
Makakadagdag din ng suwerte ang pagsasaboy ng barya, bigas, o kiat-kita papasok sa loob ng bahay. Ito ay sumisimbolo umano ng pagpasok ng kasaganahan.
Upang maitaboy ang malas, buksan ang radyo at telebisyon upang maging maingay.
Dapat din umanong maglagay ng barya o pera sa bawat kanto ng bahay upang pumasok ang kita.
Magsuot din ang mga miyembro ng pamilya ng pula para maging masuwerte at palitan ng punda ang unan sa sala at maglagay ng bagong kurtina para sa new energy.
KUSINA
Sa kusina ay dapat din bukas ang ilaw, bintana at pintuan. Kailangan ay maging maliwanag ito upang pumasok ang suwerte.
Dapat din ay linisin ang lutuan para sa magandang kalusugan at itapon na ang mga basag o ma bungi na plato at baso. Maganda rin kung kulang ‘fire color’ ang kusina para sa good health.
Sa pagsalubong sa bagong taon ay dapat puno ang bigasan, water dispenser, refrigerator, paglagyan ng asin at asukal, at LPG upang maging masagana.
Maaari ring mag-ingay gamit ang kaldero para maitaboy ang malas at magsaboy ng barya sa kusina.
KUWARTO
Magpalit ng punda, bed sheet at bumili ng bagong unan kung kinakailangan para pumasok ang bagong enerhiya.
Dapat ay bagong laba rin ang kurtinang ikakabit. Magbukas din ng radyo o TV para maingay at maitaboy ang malas.
Upang maalis o mabawasan ang negative energy, maaaring maglagay ng asin sa bedside table.
Para maalis ang malas dapat ay maglinis at alisin ang mga kalat. Maaari ring magsindi ng insenso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.