Nagbebenta ng pekeng MMFF pass timbog; Madlang pipol binalaan | Bandera

Nagbebenta ng pekeng MMFF pass timbog; Madlang pipol binalaan

Reggee Bonoan - December 22, 2019 - 01:25 AM

TATLONG araw na lang at Pasko na pero siguradong hindi magiging masaya at payapa ang Christmas ng netizen na si Hanna Evangelista.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay kasalukuyang iniimbestigahan si Hannah sa CIDG, Southern Police District Compound sa Villamor.

Nahuli kasing nagbebenta ng MMFF passes si Hanna na ipinost pa niya mismo sa kanyang Facebook page. Aniya, “Sino po gusto mag-avail? Metro Manila Film Festival Movie Tickets, lahat-lahat na ‘yan. PM me for orders and reservations. No to cancellation!”

Marami ang naging interesado sa announcement ni Hannah kaya muli siyang nag-post ng, “Maliligo lang po ako, later po ako sasagot ng inquiries ulit. Salamat po.”

At dahil marami ang umorder sa kanya, pinapunta na lang niya sa bahay nila ang mga bibili, “Sa lahat po ng nandito na mga orders sa bahay, pa PM na lang po ako. Hindi kaya ng inyong lingkod na makipag-meet up today. For pick-up po dito sa bahay. Thank you.”

Susme, ito ang malaking pagkakamali ng netizen dahil naka-public ang FB account niya at natural makikita ito ng otoridad kaya isa rito ay nagpanggap na buyer para malaman ang address niya – ang ending timbog siya.
Base sa post ng MMDA spokesperson na si Noel Ferrer, “URGENT MEDIA ADVISORY:
“May nahuli sa entrapment ops (operation) na nagbebenta ng MMFF passes. Proceeding now sa CIDG, SPD Compound sa Villamor.

“PLEASE DON’T BE FOOLED BY THESE PEOPLE WHO SELL MMFF PASSES. Miss Evangelista is now with the police. And those who bought and will be caught using these fake passes may be held criminally liable too! #45thMMF.”

Inalam namin kay Noel kung paano lumusot ang nagbebenta, “May printing press na kakuntsaba, Kapatid! Tinutugis na rin.”

Sabi namin dapat mahigpit na binabantayan ang printing press habang pini-print ito dahil hindi maiiwasan na matukso ang ilan para ibenta ito lalo’t Pasko na.

“Kapatid, may security code na parang pera ang mga tickets. ‘Yung umiilaw na security code na hindi makokopya,” katwiran pa ni Noel.

Sana’y magsilbing aral ito sa lahat ng mga magtatangka pang magbenta ng pekeng MMFF passes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending