'Tama lang na talakan ni Agot si Villar dahil aa P300/galunggong!' | Bandera

‘Tama lang na talakan ni Agot si Villar dahil aa P300/galunggong!’

Ronnie Carrasco III - December 21, 2019 - 01:05 AM
    AGOT ISIDRO AT CYNTHIA VILLAR

MISTULANG namingwit din ng mga batikos si Sen. Cynthia Villar laban sa mga parokyano ng isdang galunggong (scad) na ngayo’y pumapalo sa halagang tatlong daang piso kada kilo.

Isa sa maraming bashers ng senadorang ipinagmamalaki naming hindi binilugan ang pangalan noong nakaraang election ang singer-actress na si Agot Isidro. Mas naniniwala pa kasi kaming kumakain si Agot ng galunggong kumpara kay Villar, kaya ganu’n na lang kung “i-promote” niya ang ibang isda.

Minsan nang nag-harvest ng saku-sakong batikos si Villar mula sa hanay ng mga magsasaka, kesyo dapat daw ay napakamura lang ng bentahan ng palay. Siya rin ang gustong magpanukala na tanggalin na ang “unli rice” sa ilang mga kainan for health reasons.

Halatang hindi napupulsuhan ng pinakamayamang senadora ang mga kababayan nating payak ang pamumuhay. Mas marami kasi sa kanila ang “makanin” kesa “maulam.” Mas mabubundat nga naman sila sa mabigat-bigat na kanin sa tiyan.

We expect Villar to be affected neither by the limited rice nor the rising cost of galunggong. Siyempre, hers is the kind of food we can only ingest in our dreams.

Bigla tuloy naming naalala ang living room scene sa Mel Gibson-Danny Glover movie na “Lethal Weapon 2.” Gathered in the sala, tinanong ng misis ni Roger (Danny) kung ano’ng nilalantakan nito.

Sagot ni Roger, tuna sandwich na ikinagulat ng kanyang asawa’t mga anak. May silent boycott pala ang pamilya Murtaugh (we hope we got the spelling correctly) sa nasabing isda dahil nanginginain o nananakit daw ito ng mga dolphins that they switched to eating albacore instead.

Both funny and silly, mapapatawad pa namin ang pag-iwas sa pagkain ng tuna given Mrs. Murtaugh’s compassion toward the dolphins, kumpara sa “Sen. Villar Aquamarine School of Acting” as if naman she has ever seen let alone tasted a single galunggong all her life.

Palibhasa rin yata the lady senator hardly goes to the market’s fish section, entonces, hindi rin niya alam ang napakaraming puwedeng iluto sa galunggong. May texture o lasa kasi ito one can never find in other fish.

Totoong napakarami namang isdang maaaring pagpilian, kung paanong sa dinami-dami rin namang puwedeng pagpilian sa mga tumakbong senador noon ay si “Ginang Unli Rice/Galunggong” pa ang nanalo at nag-number one pa, ha?!

Fish be with you, Sen. Villar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending