Juday: Kalabisan na kung hihingi pa ako kay Lord…
MATINDI pala ang Saima character ni Judy Ann Santos sa “Mindanao” na nagpanalo sa kanya ng best actress sa 41st Cairo International Film Festival.
“May scene doon na nagpapaalam na ako sa ibang mommies at ibinigay ko na ang mga gamit at gusto ko nang umalis. Pero kasi sa totoong buhay ay iyon naman ang gagawin mo, ‘di ba? Hindi ka naman magbe-breakdown sa harap ng maraming tao.
“Hangga’t kaya mong i-keep ang emosyon mo ay iki-keep mo talaga siya hanggang sa mag-breakdown ka na kasi ma isang taoing yumakap sa iyo.
“Du’n ako pinakanahirapan kasi ang character ni Saima, hindi niya ibibigay ang emosyon niya. Eh, sa totoong buhay hindi ako ganoon, eh. Kapag naglabas ako ng emosyon ay labas na labas siya pati uhog ko lalabas na,” chika niya.
For now ay wala nang mahihiling pa si Juday. Happy siya na part ng Metro Manila Film Festival ang “Mindanao”.
“Wala na akong puwedeng hingin pa. Oras na lang para sa pamilya ko ang gusto ko, wala na. I am so blessed and grateful na I have the people around me who guide and support me. I have all of you who root for this film as well.
“I have so much support group. Parang kalabisan kung hihingi pa ako ng iba pa. Parang gusto kong isipin na may maganda yata akong ginawa sa buhay ko para matanggap ko ito na isang bagsak.
“Ang dami kong bago na ginawa sa 2019. I was invited in World Book Fair as a chef. I went to Busan for a world premiere.
“Lahat ito ay bago sa akin at 41 na para akong 25. Para akong bata. Nae-enjoy ko siya tapos happy ako na may energy ako na nae-enjoy ko siya,” she added.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.