Miss Jamaica waging Miss World 2019; Michelle Dee umabot sa top 12 | Bandera

Miss Jamaica waging Miss World 2019; Michelle Dee umabot sa top 12

- December 16, 2019 - 12:15 AM


MUKHANG may “sumpa” ang 2019 para sa mga Filipina beauty queen na lumaban sa mga international pageants ngayong taon.

Sa ginanap na grand coronation night ng 2019 Miss World kagabi, nabigong muli ang representative ng Pilipinas na si Michelle Dee na maiuwi ang korona at titulo.

Si Miss Jamaica Toni-Ann Singh ang nanalong Miss World 2019 na ginanap sa ExCeL Arena, London, England. Natalo niya ang mahigit 110 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Umabot lang sa Top 12 si Michelle kasama ang iba pang mga kandidata mula Kenya, Nigeria, Brazil, Mexico, India, Nepal, Vietnam, Jamaica, France, Russia at Cook Islands. Hindi na nakapasok ang anak ng dati ring beauty queen na si Melanie Marquez sa Top 5 finalists.

Nauna nang sinabi ng dalaga na naniniwala siya sa destiny, “If it’s meant for me, it will come to me. I believe in destiny. I believe in trying my best and hopefully my best is good enough.”

“My mom, the most important advice she gave me is to be myself. I am not trying to be the second Melanie Marquez or the next Winwyn Marquez. I just want to be my own woman,” aniya pa.

Hawak pa rin ng Kapuso actress ma si Megan Young ang record bilang kauna-unahang Pinay na naging Miss World noong 2013.

Maraming netizens ang nagkomento na malas ang Pilipinas sa mga beauty pageant this year. Last week, nganga rin ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2019 na si Gazini Ganados na ginanap naman sa Atlanta, Georgia. Hanggang sa Top 20 lamang siya umabot.

Hanggang Top 8 naman pumasok si Bea Patricia Magtanong sa idinaos na Miss International 2019 pageant sa Japan.

Hanggang sa Top 25 lang umabot si Resham Saeed na lumaban naman sa Miss Supranational 2019 pageant na ginanap sa Poland.

Para naman sa Miss Globe 2019, kinoronahang 2nd runner-up ang bet ng bansa na si Leren Mae Bautista na ginanap sa Montenegro.

Hindi rin sinuwerte si Samantha Ashley Lo na makapasok sa semi-finals round sa Miss Grand International 2019 na idinaos sa Venezuela.

Samantala, bago ganapin ang Miss World coronation night, ibinandera ng Autism Society of the Philippines (ASP) ang appointmentment ni Miss World Philippines 2019, Michelle Dee bilang pinakabago nilang Goodwill Ambassador.

“As its representative, Michelle will lend her name and dedicate her support to putting a spotlight on autism acceptance and inclusion leading to the Philippines to becoming an autism-ok nation,” ayon sa ASP.

Ito’y kinumpirma naman ng National Director of the Autism Society of the Philippines na si Mona Liza Veluz kasama ang iba pang board members ng kanilang organization.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa si Michelle sa mga kilalang celebrities na advocate for autism awareness sa bansa dahil na rin sa pagkakaroon ng mga kapatid na na-diagnose ng nasabing health condition.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending