Posible pa bang magkaroon uli ng AlDub movie: Sa tamang panahon…
MAWAWALA na sa ere ang programang Sunday PinaSaya ng APT Entertainment sa GMA 7. Ang APT executive na si Rams David ang nagkumpirma nito sa members and officers ng Philippine Movie Press Club na nag-caroling sa kanya recently.
Last show na nila sa Dec. 22 at sa susunod na Sunday ay replay na ng best episodes nila. Sabi ni Rams, October pa lang ay sinabi na sa kanila ng GMA na they will just finished the contract until December.
“Maganda naman ang nagjng pag-uusap namin with GMA. We just wish na mag-offer sila uli sa amin to do a new show just like what they did sa Sunday PinaSaya,” sabi niya.
Tumagal ng apat na taon at apat na buwan ang Sunday PinaSaya sa ere, “Happy na kami na tumagal ang show namin ng ganoon at marami kaming pinasaya.”
Sa posibilidad na ilipat nila ang SP sa ibang network gaya ng TV5 na balitang magbubukas uli para sa entertainment shows wala pa raw ganu’ng plano.
Magko-concentrate muna ang ATP sa agreement na pinirmahan nila with Cignal Entertainment na “kamag-anak” ng TV5.
As for the hosts ng SP, ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas daw ang unang nalungkot when she found out na mawawala na ang kanilang Sunday musical variety show.
Si Marian Rivera na talent nila at isa rin sa hosts ng SP ay magkakaroon ng bagong show sa GMA habang si Alden Richards naman ay may ongoing teleserye pa rin.
Tungkol naman sa isa pa nilang talent na si Maine Mendoza, tinanong namin si Rams kung posible bang magkaroon ng project ang dalaga with Arjo Atayde.
“Maine-Arjo? Ah! Wala pa naman sa plans. We don’t know yet. Parang what we want right now ay mabigyan siya ng projects na magugustuhan ng fans?”
What about a solo show for Maine sa GMA? “Meron uli siyang Daig Kayo Ng Lola Ko, three Sundays mapapanood. Sana tangkilikin uli ng mga manonood.”
Ano ang reaksyon niya sa relasyon nina Maine kay Arjo? “It’s somethjng personal. So, we respect her privacy. Hindi kami nag-aalala, matalino naman si Maine. She knows her boundaries and hindi naman kami nakikialam. It’s her life at kung saan siya happy, we will be happy.”
Lastly, posible bang magkaroon uli ng AlDub movie? “Parang I don’t want to comment about it kasi, mahirap, e. Kawawa, naaano ang fans, e. May chamce pa, pwede pa, ‘di ba? Hintayin na lang natin. Sabi nga sa kanta ni Ice Seguerra, pagdating ng panahon,” say ni Rams
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.