Osang 3 taon nang kasal sa dyowang lesbian: Blessy I love you…#LOVEWINS!
KAHIT abala sa kanyang taping ng Ang Pamilya Ko si Rosanna Roces ay nagagawa pa rin niya ang obligasyon niya bilang lola sa kanyang mga apong sina Gab, Maha at Leone, mga anak ng panganay niyang si Grace Adriano.
Si Gab ang panganay na apo ni Osang, anak ni Grace kay Vice-Governor Jolo Revilla na sinundan nina Maha at Leone na mula naman sa non-showbiz partner ng kanyang anak. Malalambing ang mga apo ni Osang kaya naman kapag dumalaw sa kanya ang mga bagets ay ipinagluluto talaga niya ng mga paborito nilang pagkain na nagiging bonding time na rin nila.
Si Gab na sobrang tangkad na ngayon at basketball player pa ay para pa ring batang paslit kapag kasama ang lola Osang niya dahil tumatabi pa ito sa kanya sa pagtulog, “Nakakatuwa, masarap ang may mga apo, sila ang pinagkakaabalahan ko kapag wala akong trabaho, malalambing na mga bata kasi. Pero siyempre limitado lang ang oras kasi kailangan din nilang umuwi sa kani-kanilang mga magulang,” sabi ni Rosanna nang maka-chat namin.
Maayos na ang takbo ng buhay ngayon ni Osang kaya naman hindi na siya sakit ng ulo sa taping o shooting hindi tulad noon. Sa katunayan, may bago na siyang project para sa susunod na taon, pero ayaw pa niyang sabihin dahil baka maudlot pa.
Sobrang saya niya sa set ng seryeng Ang Pamilya Ko dahil pamilya talaga ang turingan nilang lahat, lalo na nina Joey Marquez, Irma Adlawan at Sylvia Sanchez na nakasama niya noong araw pa sa isang sexy movie, “Masaya sa set, lagi kaming kumakain,” sambit ni Osang.
Ang lahat ng pagbabagong ito sa buhay ni Osang ay sa tulong na rin ng kanyang lesbian partner at “first love” na si Blessy. “Totoo naman, first love never dies sa akin!”
Nitong Dis. 10 ay tatlong taon nang kasal sina Osang at Blessy. Ni-repost ni Osang ang litratong nakapang-kasal sila sa kanyang Instagram account at nilagyan ng caption na, “3 years and counting. Happy anniversary Blessy, I love you. No end #Lovewins.”
***
Bilang pasasalamat ng iWant sa kanilang milyones na subscribers at 165M views kada buwan ay isang bonggang anniversary treat ang handog nila sa unang anibersaryo ng re-launch dahil libreng mapapanood ang Pinoy movies sa streaming service ngayong Disyembre.
Sampung iba-ibang pelikula kada linggo ang maaaring i-stream ng iWant users hanggang Enero 5, 2020 sa iWant. Sunod-sunod nang panoorin ngayong linggo (Dis. 9 hanggang 15) ang “Labs Kita… Okey Ka Lang?” “Milan,” “Dubai,” “The Day After Valentine’s,” “Kita Kita,” “Don’t Give Up On Us,” “The Significant Other,” “Forevermore,” “My Perfect You,” at “Till My Heartaches End.”
Maaari na ring planuhin ng magbabarkada at pamilya ang kanilang movie marathon mula Disyembre 16 hanggang 22, kasama ang mga pelikulang “Never Not Love You,” “Sid & Aya: Not a Love Story,” “Last Night,” “Baka Bukas,” “The Unmarried Wife,” “Kasal,” “Dear Other Self,” “Love You to the Stars and Back,” “Revolution: The JaDine Concert,” and “Loving in Tandem.”
Bukod sa mga ito, patuloy rin ang paglalabas ng iWant ng mga original movie at series na patok sa mga Pinoy, gaya ng “Manilennials,” isang serye tungkol sa masaya at masalimuot na mga buhay ng limang millennials sa Maynila. Magkakatambal din sina Joseph Marco at Yam Concepcion sa unang pagkakataon sa original series na “Uncoupling.”
Katuwang din ng iWant ang iba’t ibang creators, producers, at direktor sa paggawa ng mga original na pelikula at serye na ekslusibong napapanood dito, kabilang na ang viral romance na
“Glorious,” “Bagman,” “Ang Babae sa Septic Tank 3,” “Call Me Tita,” “MOMOL Nights,” “Past, Present, Perfect?” at ang advocacy series na “Mga Batang Poz” tungkol sa HIV-positive na teenagers na nagwagi ng Best Original Programme by a Streamer/OTT sa Asian Academy Creative Awards ngayong taon.
Manood na ng free premium movies sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph hanggang Enero 5, 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.