Ex-dyowa nagsalita na: Bungangerang sexy actress selosa na, insecure pa | Bandera

Ex-dyowa nagsalita na: Bungangerang sexy actress selosa na, insecure pa

Cristy Fermin - December 11, 2019 - 12:30 AM

PALAGING kasama ngayon ng isang grupo ng mga atleta ang dating karelasyon ng isang kilalang sexy actress.

Maraming nang-uusisa sa kanya kung bakit sila nagkahiwalay.

May mga nagsasabi pa sa male personality na ano pa ba naman ang kulang sa kanilang relasyon, samantalang pinag-iilusyunan nga ng mga kalalakihan ang aktres, bakit nga ba? Walang naririnig mula sa lalaking personalidad, naghiwalay sila nang tahimik, pero siyempre’y dumarating din ang pagkakataong nahuhuli ang isda sa kanyang bibig. Kuwento ng isang source, “Nag-attend siya sa birthday party ng isang friend niya, natural lang na hindi mawawala ang mamam-mamam kapag ganu’n, di ba?

Nakainom nga ang male personality. “At kapag ganu’n, dumudulas ang dila ng nakainom, kumakapal ang kanyang mukha sa pagkukuwento, kaya du’n na lumabas ang mga sama ng loob ng guy. “Ang hindi pala niya kinaya sa sexy actress, e, ang pagiging selosa at bungangera.

Sobrang insecure pala ang babaeng ‘yun! Ayaw niyang may nakakaagaw sa love at attention ng karelasyon niya!

“Remember, naging girlfriend din siya nu’n ng isang young actor, di ba? Ganu’n din ang kuwento, by appointment kung madalaw ng male personality ang pamilya niya!

“Pinag-aawayan nilang dalawa ang pagpunta ng guy sa house ng pamilya niya, kapag bumabalik na siya sa condo nila ng sexy actress, e, hindi na siya kinikibo!

“Ganu’n din pala ang ginagawa niya sa karelasyon niyang nakahiwalay niya, ayaw niyang umaalis ang guy sa bahay nila, kailangang madatnan niya ang guy sa kung saan niya iniwan! “Manghang-mangha ang mga kaibigan ng male personality.

Sa ganda nga namang ‘yun ng girl at sa kaseksihan niya, siya pa pala ang reyna ng pagiging insecure? “At hindi na rin kinaya ng guy ang pagiging bungangera ng girl.

Ibang klase pala ang bibig niya, parang kampana kuno kapag may Simbang Gabi!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Dinig na dinig kuno ng kanilang mga kapitbahay ang pagiging nagger ng sexy actress, kaya hindi na nakatiis ang lalaki, nagbabu na lang!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, malayung-malayo ang sexy actress na ito sa sister niya na sobrang martyr naman sa pakikipagrelasyon, sa totoo lang! 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending