Andrea Torres tatapusin na ang 'sumpa' sa lovelife ni Derek Ramsay | Bandera

Andrea Torres tatapusin na ang ‘sumpa’ sa lovelife ni Derek Ramsay

Cristy Fermin - December 10, 2019 - 01:05 AM

DEREK RAMSAY AT ANDREA TORRES

Sa lahat ng mga nakarelasyon ni Derek Ramsay ay malakas ang kutob namin na si Andrea Torres na ang maghuhudyat sa pagtatapos ng kanyang pagkabinata. Matagal humawak ng relasyon ang guwapong aktor, pero sa katagalan ay nauuwi rin ‘yun sa paghihiwalay, hindi ‘yun nagtatapos sa pagharap nila sa altar. Kailan lang sila nagkakilala ni Andrea, sa ginawa lang nilang serye sa GMA 7, pero sa unang pagkikita pa lang nila ay pareho na silang nakaramdam ng kakaibang magic. Kuwento ng isang kaibigan ng kanilang pamilya na kaibigan din namin, “Halatadong masaya si Andeng kapag magkasama sila ni Derek. Ang ibang artista, e, natutuwa kapag napa-pack-up ang taping nila dahil time na ‘yun para makapagpahinga sila, di ba? “Pero kay Andeng, e, nakakalungkot ang hindi nila pagsasama sa taping ni Derek. Ayaw niyang napa-pack-up ang work nila. Nu’n pa lang, alam na namin na may something na talaga sa kanila,” kuwento ng aming kaibigan. Magkapareho sila ng wavelength, matalino silang pareho, sana’y nadiskubre na sa ngayon ni Derek kung gaano kagaling na writer si Andrea. Sa katatapos lang na surprise birthday party para kay Derek ay nagawang ipunin ni Andeng ang mga taong kukumpleto sa kaligayahan ng kanyang boyfriend. Naging markado para sa kanilang dalawa ang seryeng The Better Woman. ‘Yun ang nagbukas ng pintuan para magkakilala sila nang lubusan na nauwi nga sa pagmamahalan. Sana nga ay sa altar na humantong ang kanilang relasyon ngayon, tutal naman ay aminado si Andeng na matagal na niyang ipinagdarasal ang pagkakaroon ng mamahalin, pero hinihintay niya munang dumating ang tamang timing. Ito na ‘yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending