Kontrobersyal na male celeb magaling makisama, pero may sablay | Bandera

Kontrobersyal na male celeb magaling makisama, pero may sablay

Cristy Fermin - December 10, 2019 - 01:00 AM
WALANG problema ang kanyang mga katrabaho sa isang kilala at kontrobersiyal ngayong male personality. Mabait kasi siya, hindi pakialamero, marunong siyang makisama at walang kayabang-yabang. Palagi lang siyang pangiti-ngiti, walang masyadong salita, matipid talaga siya sa pagbibigay ng mga komento. Kuwento ng isang source, “Wala siyang kahirap-hirap na makasama dahil team player siya. Hindi niya naging ugali ang kumontra. “Marunong siyang makisama, nakikinig siya sa mga kasamahan niya, kaya wala ka talagang maririnig na pangit na komento tungkol sa kanya,” unang chika ng aming impormante. Mula nu’ng mabago ng linya ang male personality ay marami nang nagmahal sa kanya. Personal kasi nilang nakikita ang kasimplehan sa kanya. Personal kasi nilang nakikita ang kasimplehan ng aktor na kung tutuusin ay puwede nang magyabang dahil kilalang-kilala naman siya. Patuloy ng aming source, “Pero talagang simple lang siya, hindi mo siya maririnig na nagyayabang, ikaw na lang ang makakadiskubre ng mga accomplishments niya. “Isa lang ang napapansin ng mga kasamahan niya, mahina siyang tumanda ng mga pangalan. Madalas niya namang nakakasalamuha ang mga katrabaho niya, pero nahihirapan siyang tandaan ang mga pangalan ng mga taong kilalang-kilala niya naman sa mukha. “‘Yun lang ang kailangan niyang i-improve, talasan niya dapat ang utak niya sa pagtanda ng mga pangalan lalo na ng mga leader ng mga barangay na iniikutan niya. “Kung minsan nga, e, binibiro siya ng mga constituents niya, ‘Kilala n’yo po ba ako? Natatandaan n’yo ba ang name ko?’ Kasi nga, e, kumalat na sa buong community nila na mahina siya sa pagtanda ng mga pangalan!” tawa nang tawang kuwento ng aming source. Kontrobersiyal ngayon ang male personality na ito dahil sa panggugulo sa kanya ng dati niyang karelasyon. Puro paninira sa kanya ang ipinakakalat nito sa social media. Wala na sigurong kailangan pang clue, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Jing Bautista Silverio, give na give na kung sino siya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending