SEA Games: “Pinana ni Kupido,” mag-asawa wagi ng gold sa archery
Hindi akalain ng mag-asawang Rachel at Paul Marton dela Cruz na sa archery magsisimula ang kanilang love story.
Hindi rin nila lubos maisip na dahil sa sport, magkasama nilang papanain ang gintong medalya sa mixed team compund archery event ng 2019 Southeast Asian Games.
Tinalo ng Pinoy bets ang Vietnamese tandem nina Chau Kieu Oanh at Nguyen Van Day, 148-147.
Dumaan sa butas ng karayom bago ang tagumpay, binigo ni Paul at Rachel ang matitikas na archers mula Thailand sa preliminaries at Malaysia sa semifinals bago ang pakikipagsagupa sa powerhouse Vietnam.
“Very overwhelmed po kasi ito yung huling pag-asa namin para makakuha ng medal, hindi lang medal kundi gold,” sabi ng padre de pamilya.
Ito ang tanging medalya ng Pilipinas sa archery competitions ng biennial meet.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.