PH basketball teams asinta ang SEAG gold | Bandera

PH basketball teams asinta ang SEAG gold

Melvin Sarangay |December 10,2019
facebook
share this

PH basketball teams asinta ang SEAG gold

Melvin Sarangay - December 10, 2019 - 01:51 PM

MAKUMPLETO ang pag-uwi ng mga gintong medalya sa 5×5 basketball ang asam ng Pilipinas sa salpukan nila ng Thailand sa 30th Southeast Asian Games basketball competition ngayong gabi sa Mall of Asia Arena.

Mauunang sasabak ang  PH women’s basketball squad na makakasagupa ang mga Thai lady cagers dakong alas-6 ng gabi bago sundan ng laro ng PH men’s team kontra Thailand alas-8:15 ng gabi.

Hangad ng mga Pinay cagers na makuha ang unang gintong medalya sa SEA Games magmula nang sumali ito dito.

Parehong walang talo ang mga Pinay at Thai sa kanilang preliminary round games kontra Indonesia at Malaysia kaya ang mananalo ngayong gabi ang siyang tatanghaling kampeon.

Puntirya naman ng Gilas Pilipinas men’s basketball team na mahablot ang ika-13 diretsong SEA Games basketball crown at ipinakita ng koponan na desidido silang makamit ito sa pagtala ng mga kumbinsidong panalo laban sa kanilang mga nakatunggali.

Winalis ng Pilipinas ang kanilang mga laro sa preliminary round sa pagdurog sa Singapore (110-58), Vietnam (110-69) at Myanmar (136-67) bago giniba ang Indonesia, 97-70, sa kanilang semifinals match Lunes ng gabi.

Binigo naman ng Thailand ang Vietnam, 101-95, sa kanilang semis duel para ikasa ang gold medal match kontra Pilipinas.

 

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending