Lowest placing since 2010, Gazini Ganados laglag agad sa Top 10 ng Miss Universe
NATAPOS agad ang journey ni Miss Philippines Gazini Ganados sa ginaganap na 2019 Miss Universe matapos malaglag sa Top 10 finalists.
Pasok sa Top 10 ang mga kandidata mula sa USA, Colombia, Puerto Rico, South Africa, Peru, Iceland, France, Indonesia, Thailand, at Mexico.
Sa unang Top 15 semi finalists na tinawag ng host na si Steve Harvey ay hindi nakapasok si Gazini pero nagbunyi at nabuhayan ang mga Filipino na nakatutok sa pageant nang tawagin siya sa limang Wildcard candidates.
Marami ang umasa sa back-to-back win ng Pilipinas sa 2019 Miss Universe at sa ikalima sanang Miss Universe crown ng bansa na nasungkit nina Catriona Gray (2018), Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).
Ito rin ang lowest placing na inabot ng Pilipinas sa Miss Universe simula noong 2010.
Habang isinusulat ang balitang ito ay ongoing pa rin ang Miss Universe 2019 coronation night na ginaganap sa Atlanta, Georgia, USA.
Hinihintay na ng buong universe kung kanino ipapasa ni reigning Miss Universe Catriona Gray ang bagong korona ng Miss U na tinawag na Power of Unity crown na nagkakahalaga ng $5 million o P250 million.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.