outbrain

10 Pinoy susuntok ng ginto sa SEAG boxing finals

By Melvin Sarangay December 09,2019
share this

10 Pinoy susuntok ng ginto sa SEAG boxing finals

By Melvin Sarangay December 09,2019
share this

SAMPUNG Filipino boxers ang sasabak ngayon sa gold medal match ng 30th Southeast Asian Games boxing competition sa PICC Forum.

Mauunang sasalang sa boxing finals si Josie Gabuco laban kay Endang Endang ng Indonesia sa women’s light flyweight (48kg) division ngayong alas-3 ng hapon.

Agad naman siyang susundan ni Irish Magno na makakaharap si Nguyen Thi Tam ng Vietnam sa women’s flyweight (51kg) class.

Susunod na sasabak si Nesthy Petecio kontra kay Oo Nwe Ni ng Myanmar sa women’s featherweight (57kg) division.

Huling sasalang sa women’s final si Riza Pasuit na makakatapat si Sudaporn Seesondee ng Thailand sa lightweight (60kg) class.

Una namang sasabak sa men’s final si Carlo Paalam na makakasagupa si Kornelis Kwangu Langu ng Indonesia sa light flyweight (46-49kg) division dakong alas-5:15 ng hapon.

Susunod agad sa kanya si Rogen Ladon na makakasubukan si Ammarit Yaodam ng Thailand sa flyweight (52kg) class.

Makakaharap naman ni Charly Suarez si Khunatip Pidnuch ng Thailand sa lightweight (60kg) division.

Sasalang si James Palicte kontra kay Nguyen Van Hai ng Vietnam sa light welterweight (64kg) class.

Mapapalaban naman si Marjon Pianar kay Wuttichai Masuk ng Thailand sa welterweight (69kg) division.

Huling sasabak para sa Pilipinas si Eumir Felix Marcial na makakatapat si Nguyen Manh Cuong ng Vietnam sa middleweight (75kg)  class.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending