CLAUDINE naiskoran agad ni RAYMART, ibinuking na ang ‘LIHIM’ na pagkatao | Bandera

CLAUDINE naiskoran agad ni RAYMART, ibinuking na ang ‘LIHIM’ na pagkatao

Cristy Fermin - August 01, 2013 - 03:00 AM


Nakakalungkot ang kinahinatnan ng relasyon nina Raymart Santiago at Claudine Barretto. Maraming umasa na magtatagal sila kundi man magkakasama pa rin sa habampanahon, pero nagsisimula nang gumuho ang pag-asang ‘yun, si Claudine ang unang umaksiyon.

Nu’ng nakaraang Lunes ay nagsadya siya sa Marikina-RTC para maghain ng Temporary Protection Order (TPO) laban kay Raymart, natatakot daw siya para sa kanyang sarili at para sa kanyang mga anak, hiling niya sa husgado na mapagbawalan ang kanyang mister na makalapit sa kanila para makapanggulo.

Sinasaktan daw siya ni Raymart, taong 2005 pa lang daw ay kung ano-ano nang paraan ng pananakit ang ginagawa sa kanya ng aktor, kaya hindi na niya matatagalan pa ang mga ginagawa ng kanyang asawa.

Malaking kasiraan sa pagkatao ni Raymart ang mga akusasyon ni Claudine, kaya sa isang panahong ang inaasahan ng marami ay hindi pa rin magsasalita si Raymart ay nagpadala ito ng kanyang opisyal na komento tungkol sa mga ibinabatong paghusga sa kanya ng ina ng kanyang mga anak, kumakagat ang mga pahayag ng aktor kahit maigsi lang.

Ayon kay Raymart ay hindi ito gagawa ng anumang negatibong hakbang na makakaapekto sa mga bata, na walang katotohanan ang akusasyon ni Claudine na sinasaktan nito nang pisikal ang aktres, at ang pinakamatindi ay ang sinabi ng aktor na kilalang-kilala si Claudine sa kahusayang gumawa ng mga kuwentong wala namang katotohanan.

‘Yun ang pinakamatindi du’n, parang kailan lang nang mismong nakatatandang kapatid ni Claudine ang nagpatunay na marami siyang hinahabing mga kuwento na hindi naman totoo, mukhang madidiin siya nang husto ngayon sa mga pinakawalang salita ni Raymart Santiago.

Labanan na ng kredibilidad ang mangyayari ngayon. Sino ba sa kanilang dalawa ang mas kapani-paniwala, sino ba sa kanila ang may kapasidad na mag-imbento lang ng mga kuwento, kani-kanyang kampo na ang maglalaban-laban ngayon para lang lumutang kung sino sa mag-asawa ang nasa tamang posisyon. Mas nakalulungkot na senaryo.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending