outbrain

Kris hindi nakapunta sa burol ng nanay ni Boy: Bawal pa rin sa mataong lugar

By Julie Bonifacio December 07,2019
share this

Kris hindi nakapunta sa burol ng nanay ni Boy: Bawal pa rin sa mataong lugar

By Julie Bonifacio December 07,2019
share this

BOY ABUNDA AT KRIS AQUINO

BUMUHOS ang emosyon ni Asia’s King of Talk Boy Abunda sa kanyang eulogy para sa kanyang inang si Licerna “Nanay lesing” Romerica-Abunda sa last night ng wake nito sa Arlington Memorial Chapel nitong Wednesday.

By this time, nakalipad na sa Borongan, Samar ang labi ni Nanay Lesing. Tatlong araw itong mananatili roon, pagkatapos ay ibabalik ng Manila ang ashes ni Nanay Lesing, ayon kay Kuya Boy. Through his long-time partner Sir Bong Quintana, nalaman namin na hindi ilalagak sa columbarium ang abo ni Nanay Lesing pagbalik ng Manila.

“Iuuwi muna namin siya sa bahay. Gusto pa namin siyang makasama ni Boy nang matagal,” sabi ni Sir Bong.

Napuno naman ang chapel ng mga nakiramay at nagpadala ng bulaklak sa ikalawang gabi ng wake ni Nanay Lesing. Nabungaran namin papasok sina Ricky Davao at Aaron Villaflor. Habang kausap naman ni Kuya Boy at partner niyang si Bong sina Bayani Agbayani, Christine Bersola at mister nitong si Julius Babao. Dumating din that night si Bianca Gonzales kasama ang mister na si JC Intal.

Pumanaw ang ina ni Kuya Boy last Sunday pagkatapos ng 67 days na pagkaka-confine sa St. Luke’s Global Hospital. That same day ay kinremeyt ang labi ng kanyang ina. Habang nasa ospital si Nanay Lesing ay doon na rin tumutuloy at nag-i-stay si Kuya Boy para palagi niya itong mabantayan at makasama.

Kahit nagkakasakit na si Kuya Boy nakabantay pa rin siya kay Nanay Lesibg sa ospital. Habang nasa ICU si Nanay Lesing, si Kuya Boy lang ang allowed na pumasok.

On the first night of wake, dumating ang mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen, PBA legend Ramon Fernandez, Tony Tuviera, Veanna Fores, Linggit Tan, JC Buendia, Paul Cabral, Tonight with Boy Abunda executives and staff and many more. Puring-puri ng TWBA executive producer na si Grachel Castro si Kuya Boy dahil nag-taping pa ang TV host ng dalawang episodes despite his condition

Post ni Grachel sa kanyang Facebook page, “Tito Boy’s Nanay Lesing passed away last Sunday. Even if TWBA had 3 canned episodes and he was told we could do a replay, he chose to work yesterday and taped 2 episodes. It was something, he said, his Nanay would have wanted.
“Tito Boy’s mantra is to make his Nanay proud. I feel that, even in death, she was a proud Nanay because Tito Boy, your professionalism is unparalled. Saludo ako sa yo.”

Samantala, tinanong namin si Kuya Boy kung dumalaw na sa kanya si Kris Aquino. Say niya, nagkausap na raw sila ni Kris.

According to a source, bedridden daw si Tetay ngayon. In fact, may naka-schedule raw na check-up si Kris sa Singapore last week pa. Pero pinagbawalan siya ng doktor na bumiyahe. Bukod diyan, bawal din daw kay Kris ang magpunta sa mga lugar na maraming tao.

And speaking of Kris, nakatabi at nakausap namin ang producer ng lifestyle-travel show ng dating Queen of All Media na si Rhodora Pascual-Morales, or simply Tita Doray sa kanyang mga kaibigan sa showbiz.

Nagpakatotoo si Tita Doray sa pagsasabi amin na masama pa rin ang loob niya kay Kris not only because sa P30 million na ginastos niya sa show, kundi yung hurt na tinamo sa mga umano’y pinagsasabi ni Kris about her. But when we asked her what if magkita sila ni Kris sa wake, magiging civil naman daw siya sa dating talk show host kapag binati siya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending