4 miyembro ng JAPH Dolls bawal munang magkadyowa; hahataw sa “Fantasy World’
PROMISING at siguradong gagawa rin ng matinding ingay sa music industry ang all girl group na Japh Dolls.
Unti-unti na ngayong nakikilala ang grupo na binubuo nina Riyo Nishijima, 20; Risa Murayama, 20; Reina Minagawa, 22; at Ruri Yamamoto, 18. And yes, lahat sila ay Japanese-Filipino at diyan nga kinuha ang pangalan nilang Japh Dolls (Ja for Japan and Ph for Philippines).
Waging-wagi sa mga fans ang kanilang sexy and classy fashion style na masasabing mix and match ng Pinoy at Japanese culture. Ayon sa apat na girls ang genre ng kanilang music ay R&B at J-Pop. In fairness, bago pa lang sila sa industriya pero marami-rami na rin ang kanilang achievements kabilang na ang recent trophy nila as Most Promising All Female Performing Group sa 29th Asia Pacific Excellence Awards.
Humarap kamakailan ang apat na JaPinay sa entertainment media para sa presscon ng kanilang first major concert titled “Japh Dolls Fantasy World” na gaganapin sa Music Museum on Dec. 9 (Monday) 8 p.m..
Kuwento ng apat na dalaga, lahat sila at high school graduates na at kung mabibigyan ng chance nais pa rin nilang tapusin ang kanilang pag-aaral dahil alam nilang mahalaga pa rin ang may college diploma. Pero anila, ayaw din nilang palampasin ang pagkakataong ibinigay sa kanila na maging bahagi ng Japh Dolls kaya dito muna sila magpo-focus.
Diretso namang sinabi ng lahat ng members ng grupo na single sila ngayon at dedma muna sa mga lalaki, “Bawal po sa manager namin, si Laura Quizon. She wants us to give all our time and attention to our career as we’re just starting.”
Ayon kay Riyo Nishijima, na ipinanganak at lumaki sa Japan, Hapon ang tatay niya at Pinay ang nanay. Nagkahiwalay ang kanyang parents noong 11 years old siya hanggang sa ikinasal uli ang tatay niya sa isa pang Pinay with whom she has a half sister. Nag-audition siya two years ago para sa Japh Dolls at nang pumasa ay pinapunta na siya sa Manila para sumailalim sa training at ngayon nga ay napakagaling na niyang magsalita ng Tagalog.
Inamin naman ni Riza Murayama na nagkaroon na siya noon ng boyfriend pero hindi nag-work kaya ine-enjoy niya muna ang pagiging single. Sa ngayon kinakarir din niya ang pagiging Japh Dolls at sinusunod din niya ang advice ng manager nila na dedma muna sa lovelife.
Si Ruri Yamamoto naman ay isang Bulakenya at ang pinakabata sa grupo. Nang makita siya ng manager nila sa isang event na hataw sa pagkanta at pagsasayaw, hinikayat siya nitong mag-audition para sa Japhdolls. And the rest as they say is history.
Ayon naman kay Reina Minagawa, nasa Japan ang pamilya niya ngayon at kahit na malayo siya sa mga ito, palagi naman silang nagkakausap at nagkikita sa pamamagitan ng video call.
“At first, my parents were scared to let me go on my own here in Manila. But they now see that we’re being well taken care of here. All four of us girl live in the same condo in Makati and our manager really take good care of us. We all get along fine and we now treat each other like sisters. When I came here, I didn’t know how to speak Tagalog but tinuruan nila ako,” aniya.
Nabuo ang grupo noong 2017 pero bago sila nag-perform in public kinailangan muna nilang sumailalim sa matinding training mula sa pagkanta, pagsasayaw at pagho-host. Pagkatapos nito, ini-record na nila first single nilang, “Magdamagan” na sinundan pa ng iba pang original songs tulad ng “Count Senpai”, “Yamete Kudasai”, “Gumball” at “Makura”.
“Yes, kakantahin namin lahat yan in our concert on December 9 plus the other cover versions of other hit songs na siyempre nilagyan namin ng Japanese lyrics,” sabi ni Reina. Nagpasampol pa nga ang Japh Dolls sa harap ng press ng ilan sa kanilang kanta at in fairness ha, nakaka-LSS din ang songs nila.
Magiging special guests sa kanilang “Japhdolls Fantasy World” sa Music Museum on Dec. 9 ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas, ang rock band na The Crib at si Kyline Alcantara.
For tickets call lang kayo sa Ticketworld, (8891-9999), sa Music Museum box-office (8721-0635) and 8721-6726, o tawagan si Sam Calaca sa 0917-7072435.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.