Ilang schools na pala ang naikot ng cast members ng pelikulang “Write About Love” na isa sa official entry sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2019. Ito ang nag-iisang romance movie sa filmfest kaya siguradong masosolo nito ang crowd na mahilig sa pakilig at hugot movies.
Pang-millennials ang pelikula na pinagbibidahan nina Rocco Nacino, Miles Ocampo, Yeng Constantino at Joem Bascon at idinirek ni Crisanto Aquino, kaya naman ang sisipag nilang maglibot sa mga eskwelahan bilang bahagi ng kanilang promo. Isa sa mga ipinagagawa nila sa kanilang campus tour ay ang paghikayat sa mga estudyante na magsulat tungkol sa iba’t ibang klase ng pag-ibig.
Ayon kay Rocco, bilib sila sa utak ng mga kabataan ngayon, ang ilang kuwento kasing nabasa nila mula sa mga estudyante ay puwede raw gawing pelikula, Nagugulat din ako sa kuwento ng mga kabataan nowadays. Even young children, naka-experience ng heartbreak in different ways. Hindi lang sa kasintahan, ang dami. Eye-opening, e.”
Naikuwento naman ni Direk Cris sa kanyang Facebook account ang isang eksena sa pagdalaw nila sa Saint Dominic College of Asia. Ipinost niya ang isang letter na mula sa isang estudyante at aniya sa caption, “Ito ang napili kong basahin sa mga love letters ng mga students. Karamihan sa mga nababasa namin puro lihim na pagtingin, pain dahil pinagpalit sila, pagpaparaya or one way na pagmamahal.
“Kahit magbago ang panahon, di nagbabago ang mukha ng pag-ibig. Nandun pa rin ang sakit, pero nagmamahal pa rin. Walang nagmahal ng di nasaktan,” sabi pa ni Direk.
Ito naman ang nilalaman ng nasabing liham, “Sa taong hindi ko makuha, Kamusta? Sana masaya la sa kanya dahil ako ang nagpush na mapunta ka sa kanya. Sana malaman mo na ikaw pa rin, lagi kahit sobrang sakit na.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.