Higit P1B pinsala, 71,000 bahay wasak kay 'Tisoy' | Bandera

Higit P1B pinsala, 71,000 bahay wasak kay ‘Tisoy’

John Roson - December 05, 2019 - 05:17 PM

p

PUMALO na sa mahigit P1 bilyon ang naiulat na halaga ng pinsala at nasa 71,000 bahay na ang naitalang nasira dahil sa pananalasa ng bagyong “Tisoy,” ayon sa mga awtoridad.

Sa agrikultura pa lamang, nasa P1.1 bilyon na ang naitalang pinsala sa Bicol, MIMAROPA, at Calabarzon, ayon sa datos na nakalap sa regional civil defense offices.

Saklaw ng halaga ang libu-libong ektarya na may tanim na niyog, palay, mais, high-value crops gaya ng mga prutas at gulay, mga punongkahoy, alagaing hayop, mga fish pond, at mga pasilidad pang-agrikultura.

Nakapagtala naman ang MIMAROPA ng inisyal na P167.1 milyon halaga ng pinsala sa imprastruktura gaya ng mga kalsada, paaralan, health facilities, tanggapan ng gobyerno, linya ng kuryente, at flood control at irrigation facilities.

Umabot naman sa 71,009 ang kabuuang naiulat na mga nasirang bahay, pinakamarami sa MIMAROPA, sinundan ng Bicol, Eastern Visayas, at Calabarzon, ayon sa civil defense offices ng mga naturang rehiyon.

Sa naturang bilang, 64,604 bahay ang nagtamo ng pinsala at 6,405 ang tulyang nawasak.

Ang mga nasirang bahay ay naitala sa Albay, Camarines Sur, Masbate, Sorsogon, Northern Samar, Western Samar, Eastern Samar, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Romblon, Palawan, Marinduque, Cavite, Laguna, at Batangas.

Dahil sa matinding pinsala, nagdeklara na ng state of calamity Albay, Sorsogon, Naga City, Camarines Sur, Oriental Mindoro, bayan ng Boac sa Marinduque, at bayan ng Lapinig sa Northern Samar.

Balak na rin umanong isailalim sa state of calamity ang buong Northern Samar at ang Calbayog City, Samar.

Samantala, inulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na may biniberipika itong 13 bilang ng nasawi sa Calabarzon, MIMAROPA, at Eastern Visayas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Di pa kasama sa bilang ang limang tao na unang naiulat na nasawi sa Bicol. (John Roson)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending