DEAR Atty;
Good day Attorney Fe. I would like to ask some advice from you. I got married in 2005 and we broke up in 2008. We have one child. Since then, my ex-hubby and I no longer communicate. I would like to ask if pwede po ba ako mag-demand from him ng monthly support for my child? What if ayaw niya magbigay ng support? What case po ba ang pwede kong i-file para sa ex ko? What should I do po? Thank. — Brenda, Cebu City
Dear Brenda:
Maari kang magsampa ng dalawang klaseng demanda laban sa dati mong mister— isang civil case at isang criminal case.
Sa civil case, maari kang magsampa ng Petition for Support and Support Pendete Lite sa Regional Trial Court ng Cebu City. Isumite mo ang certified true copy ng inyong marriage contract at birth certificate ng inyong anak. Mabibigyan ka naman ng “Order Of Monthly Support” at ito ay maaring kolektahin ng Sheriff ng Court.
Sa criminal case, maaari kang magsampa ng paglabag sa kasong Anti-Violence Against Women and Children dahil sa hindi niya pagbibigay ng monthly financial support sa kanyang asawa at anak. — Atty.
Dear Atty:
Paano ko po malalaman ang address ng isang tao kasi po di namin alam ng mga anak ko nasaan na ang father nila. Mahigit 15 years na siyang walang suporta sa kanila. Thanks — Ann, Davao City, …3589
Dear Ann:
Magsampa ka ng Petition for Support and Support Pendete Lite sa Regional Trial Court. Subukan mo ring mag-petition sa Commission on Election (Comelec) office sa pamamagitan ng Court Order mula sa Regional Trial Court ng Davao City.
At kung rehistradong botante ang inyong asawa, tiyak na nasa listahan siya ng registered voters na nakasaad sa Comelec office ang kanyang tirahan o “last known address”. — Atty.
Dear Atty.:
Ask ko lang po attorney ‘yung tungkol sa sister ko. Tapos na po ‘yung kontrata niya noong June 15 pero hindi pa po siya makauwi kasi wala pa raw kapalit. OK po ba ‘yung ganong sitwasyon? Two years na po siya nitong last June. — Amelita Maclang, 44, Malolos, Bulacan, …0618
Dear Amelita:
Hindi ko masasagot nang diretso ang tanong mo dahil kulang ito sa detalye. Hindi ko alam kung ano ang trabaho ng iyong kapatid. Kung maaari ay mag-text ka ulit at ikuwento ang sitwasyon ng iyong kapatid at agad namin itong sasagutin. Salamat. — Atty.
Editor: Meron ba kayong nais na isangguni kay Atty.? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606 o 09277613906.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.