Dear Ma’am Liza,
Magandang araw po sa inyo. Ako ay isang engineer at nagsisilbi bilang site engineer ng isang private construction firm.
May gusto lang akong itanong at malaman para makatulong na rin sa isang tauhan ng aming kumpanya.
Nabagsakan po siya ng hollow block at nagkasugat sa ulo, dagli rin po namin siyang naitakbo sa pagamutan at na-confine ng dalawang araw. Binayaran naman ng aming kumpanya ang kanyang bill kasama na ang mga gamot na umabot sa P2,800 na ikinaltas din ng kumpanya sa kanyang sahod sa dahilang di na raw sakop ng oras ng trabaho nang mangyari ang insi-dente. Ang tanong ko po ay hanggang saan ang saklaw na karapatan at benepisyo ng isang trabahador sa kanyang kumpanya sa mga ganitong pagkakataon o pangyayari?
Nangyari ang insi-denteng alas-5:10 ng hapon sa tapat mismo ng gate na labasan naming mga manggagawa habang siya’y pauwi na base na rin sa report ng guard sa kanyang log book.
Salamat po.
Gerry
REPLY: Dear Gerry,
Ang Employees’ Compensation Program (ECP) ay nakalaan na magbigay ng mga benepisyo sa mga manggagawang naaksidente o nagkasakit ng dahil sa trabaho.
Saklaw ng ECP ang mga aksidenteng nangyari sa mga manggagawa sa loob ng paggawaan. Maliban dito, may mga pagkakataon ding binibigyan ng benepisyo sa ilalim ng ECP ang mga manggagawang naaksidente sa labas ng kanilang paggawaan.
Isa na rito ay kung ang manggagawa ay galing sa kanyang pinagtatrabahuhan pauwi sa kanyang bahay o yung sinasabing “going to or coming from” workplace rule. Kaya kung ang manggagawa ay ga-ling sa kanyang pinagtatrabahuhan at siya ay naaksidente habang siya ay pauwi na sa kanyang bahay siya ay maaring makatanggap ng benepisyo sa ilalim ng ECP.
Ang mga manggagawa sa pribadong sektor ay dapat rehistrado sa Social Security System at buwanang hinuhulugan ng kanilang kumpanya sa halagang P10 o P30 kada buwan depende sa sweldo para ang manggagawa ay makatanggap ng benepisyo.
Kaya ang obligasyon ng kumpanya ay hulugan ang EC kontribusyon ang kanyang mga manggagawa para kung may aksidenteng gaya ng nasabi mo, ang ECP ay nakalaang tumulong at magbigay ng benepisyo sa manggagawa.
Kung may iba pa ka-yong katanungan tungkol sa ECP, huwag po kayong mag atubi-ling tumawag sa 899-4251 o 52, local 227 o 228.
Cecil Estorque-Maulion
Information and Public Assistance Chief
ECC
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya. Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa [email protected]. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.