Sariwa pa sa gunita ng publiko kung paanong sinikap ni “Da king” na paglingkuran ang kanyang mga kababayan pero ipinagkait sa kanya ang pagkakataong iyun ng matinding siraan at pulitika sa bansa noong mga panahong iyun.
Sa kabila nito ay nanatili naman ang magandang ala-ala ng publiko sa kanyang iniwang marka lalo na sa pagbibigay ng pag-asa sa mga ordinaryong mamamayan.
Ang ala-alang ito ang siyang patuloy na nagbibigay ng pag-asa na sa mga darating na panahon ay may bagong liwanag rin ang sisikat sa ating bansa.
Kaya ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng mga mga nagmamahal kay Da King ang pagsasaayos ng mga gawain kasabay ng kanyang 15th death anniversary.
***
Usap-usapan ngayon sa isang five-star hotel sa Makati City ang ginawang paghirit ng isang sikat na abogado ng tatlong business class ticket para sa kanyang apat na araw na bakasyon sa Tokyo, Japan.
Ito raw ang gustong kabayaran ng de-kampanilyang abogado sa ating kwento makaraan siyang muntik nang madapa sa loob ng nasabing hotel makaraang sumabit sa carpet ang mataas na takong ng kanyang stiletto.
Iyun ang kanyang counter-offer makaraang humirit ng areglo ang pamunuan ng nasabing kilalang hotel.
Hanggang sa ngayon ay on-going pa ang negosasyon dahil masyadong mahal ang inihihirit na bakasyon-grande ni Atty. L…as in Lowlife.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.