Angelica kina Bea, Angel at Anne: Hindi kami naghihilahan pababa!

By Bandera December 04,2019
share this

Angelica kina Bea, Angel at Anne: Hindi kami naghihilahan pababa!

By Bandera December 04,2019
share this

SA kabila ng kanilang iba’t ibang personalidad, nagkasundo at naging malapit na magkakaibigan ang apat na Kapamilya actress na sina Angelica Panganiban, Anne Curtis, Angel Locsin at Bea Alonzo.

Ayon kay Angelica, magkakaiba man daw ang kanilang personality, swak na swak pa rin ang kanilang mga ugali sa isa’t isa kaya naman mula noon hanggang ngayon ay matibay pa rin ang inaalagaan nilang friendship.

Kung matatandaan, nalaman ng madlang pipol na magkakaibigan pala sila nang mag-post si Angelica sa kanyang Instagram account ng isang stolen shot na kuha nang magkasama-sama sila sa isang event.

“Eto yung pinaka-public event na ginawa namin na nagsama-sama kaming apat. So, lahat kami excited talaga. May nakakuha pala ng picture sa amin. At iisa lang ‘yan,” pahayag ng aktres sa panayam ng Magandang Buhay. Aniya pa, nagpapasalamat siya sa Diyos dahil nananatiling matibay ang kanilang pagkakaibigan.

“Mayroon kasi kaming iba’t ibang personalities kaya siguro ang ganda na kapag nagsama-sama kami ay iba-iba ‘yung mapupulot mo sa kanila. Nai-impress ka sa kabaitan nitong isa, nai-impress ka sa katalinuhan ng isa, nai-impress ka sa sweetness nu’ng isa. Alam mo ‘yung iba-iba talaga siya,” pahayag pa ni Angge.

Nang hingan ng mensahe ang Kapamilya actress kung ano ang maipapayo niya sa mga naghahanap din ng totoong kaibigan, ito ang nasabi ni Angelica, “Dapat ganu’n ‘yung mga taong kinakasama mo lagi, para matulungan ka rin na maayos ang self mo.
“‘Yung nakikita mo ang mga magaganda sa kanila, at ‘yung mga hindi magaganda sa kanila ay hindi nila ipinagmamalaki. Gusto nilang ayusin kung ano ‘yung hindi maganda sa kanila, at ‘yung maganda roon ay nagtutulungan ang mga kaibigan mo para mas maging better ‘yung taong yon.

“Hindi kami naghihilahan pababa, lagi naming pinu-push ‘yung isa’t isa na, ‘go, ikaw ang pinakamaganda, ikaw ang pinakamagaling.’ At naniniwala kami roon. Kapag sinasabi namin ‘yon, totoo yon,” lahad pa ni Angelica.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending