Joem, Yeng may laban bilang best actor, best actress sa MMFF | Bandera

Joem, Yeng may laban bilang best actor, best actress sa MMFF

Ervin Santiago - December 04, 2019 - 01:45 AM

NAPANOOD na namin ang “Write About Love” sa ginanap na premiere night kamakalawa sa SM Megamall cinema 1 na dinaluhan ng cast sa pangunguna nina Miles, Rocco at Yeng Constantino kasama ang direktor ng pelikula na si Crisanto Aquino. Kasama rin sa movie si Joem Bascon pero absent siya sa ginanap na advance screening.

In fairness sa movie, may karapatan naman pala itong mapasama sa Magic 8 ng MMFF 2019 dahil bukod sa maganda na ang istorya nito ay kakaiba rin ang naging atake ni Direk Cris sa pagbuo ng pelikula. Tama ang sinabi niya na magugulat ang manonood sa magic ng tambalan nina Miles at Rocco kahit na mas matandang di hamak ang Kapuso actor sa kanyang leading lady. Muli, pinatunayan dito nina Rocco at Miles na kahit magkaiba ng network ang dalawang artistang pinagtambal sa pelikula ay aangat at aangat pa rin kung talagang may dating.

Saktung-sakto ang kanilang akting, hindi OA tulad ng sa ibang romcom movies. Bagay na bagay sa kanila ang kanilang mga role bilang mga scriptwriter na nagsanib-pwersa para makabuo ng makatotohanang love story. 

Siyempre, kilig-kiligan ang fans sa kanilang mga eksena lalo na kapag “tinutukso” na ni Rocco si Miles tungkol sa pagiging NBSB nito. But more than that, may twists and turns sa bandang ending nito na talagang nagpaiyak sa amin.

Gusto rin naming palakpakan sina Joem at Yeng na nabigyan din ng hustisya ang kanilang mga role bilang couple na dumadaan sa iba’t ibang challenges sa kanilang relasyon. Sa ipinakitang akting ni Yeng sa movie, marami ang nag-comment na pwedeng-pwede na rin siyang bumida sa mga teleserye ng ABS-CBN. 

Remarkable ang eksena niya nang malaman niya ang “lihim” ni Joem na nagpaiyak sa mga nanood sa premiere night. Tagos din sa puso ang mga eksena niya habang kumakanta na siguradong mapapansin din ng mga award giving bodies next year.

Hindi rin siyempre nagpatalbog si Joem na ilang beses nag-breakdown sa movie. Pinalakpakan ang eksena niya sa ending ng movie kung saan impit siyang umiiyak habang kinakantahan ni Yeng. Ramdam na ramdam mo ang kanyang emosyon dahil sa kabila ng mga pinagdaanan nila bilang magdyowa ay hindi siya iniwan ni Yeng. 

Agaw-eksena rin sa movie ang dating mag-asawang sina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta. Ang “Write About Love” ay mula sa TBA Studios, na nag-produce rin ng mga award-winning movies na “Goyo: Ang Batang Heneral”, “Birdshot” at “Heneral Luna”. Showing na ang “WAL” sa Dec. 25 at ito lang ang romance movie sa walong pelikulang maglalaban-laban sa 2019 MMFF.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending