Fans ni Alden gustong sapakin, sampalin si Martin del Rosario | Bandera

Fans ni Alden gustong sapakin, sampalin si Martin del Rosario

Cristy Fermin |December 04,2019
facebook
share this

Fans ni Alden gustong sapakin, sampalin si Martin del Rosario

Cristy Fermin - December 04, 2019 - 12:10 AM

UNTI-UNTI nang nakakabanaag si Sep. Kahit paano’y nakakaaninag na siya. Pero kung bakit kung kailan naman siya nakakakita na ay saka naman humina ang pagpasok ng kanyang mga pangitain.

Palalim na nga nang palalim ang daloy ng kuwento ng The Gift na pinagbibidahan ni Alden Richards. Nakapanghihinayang nang palampasin ang bawat episode nito dahil sa bilis ng mga pangyayari.

Habang hinahangaan sa kanilang komunidad si Sep na dinadagsa na ng mga magpapagamot at magpapahula ay pasama naman nang pasama ang role na ginagampanan ng magaling na aktor na si Martin del Rosario.

Dahil sa sobra nitong pangangawawa kay Sep ay gusto itong regaluhan ng mga suntok at sampal ng mga fans ni Alden. Ganu’n kaepektibo ang kanyang pagganap, napapagalit nito ang mga tagahanga ni Alden, pati ang mga sumusubaybay sa serye.

Kuwento ng kaibigan naming si Liza na silent supporter ni Alden, “Ibang-iba na ang acting ni Alden ngayon, very effective na siya, hindi na basta papogi lang ang pag-arte niya.

“Saka maganda ang atake niya, subdued acting lang, galing sa puso, kaya makikiiyak ka na lang sa panonood sa kanya. At napakaguwapo niyang bulag!” parang kinikilig pa nitong sabi.

The Gift!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending