Construction worker patay matapos madaganan ng puno dahil kay ‘Tisoy’

December 03,2019
share this

Construction worker patay matapos madaganan ng puno dahil kay ‘Tisoy’

December 03,2019
share this

PATAY ang 38-anyos na construction worker matapos na madaganan ng malalaking sanga ng puno dulot ng bagyong Tisoy ganap na alas-4:30 ng hapon nitong Lunes.

Kinilala ni Police Major Alvin Shevert Machete, Police Station 1 chief, ang biktima na si Joel Baledio,  residente ng Barangay Boroc.

Sinabi ni Machete na pinayagan ang biktima ng kanyang employer na umuwi ng maaga dahil sa malalakas na hangin dulot ni Tisoy.

Habang minamaneho ang kanyang motorsiklo, nahulugan si Baledio ng mga sanga ng puno ng Gemelina.

Dinala ng mga miyembro ng Ormoc Rescue Group ang biktima sa ospital bagamat idineklarang dead on arrival.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending