Lalaking nakatira sa kalye binigyan ng bahay ni Heart

By Alex Brosas December 03,2019
share this

Lalaking nakatira sa kalye binigyan ng bahay ni Heart

By Alex Brosas December 03,2019
share this

HEART EVANGELISTA

HERO ang dating ni Heart Evangelista sa netizens matapos niyang bigyan ng bahay ang isang guy named Jun na nakilala niya sa Gilmore when she was looking for her lost dog.

Sobrang naawa si Heart kay Kuya Jun na naninirahan sa kalye kasama ang kanyang pitong alagang aso.

Nang i-post ni Heart iyong photo ni Kuya Jun sa kayang Instagram account ay maraming naawa dito kaya naman nag-donate ang ilang netizens.

Last Sunday, isang surprise ang ginawa ni Heart kasama ang isang foundation called PAWSsion Project. Ibinigay nila ang isang bahay for Kuya Jun and his pets.

“Happy Sunday kuya. Welcome home sa inyo ng mga babies mo. di na kayo mauulanan. Thank you to everyone who made this possible and to kuya for being an inspiration you deserve the world,” caption ni Heart sa photo ng bagong bahay ni Kuya Jun.

With that ay marami ang naantig kaya naman nag-react sila sa post ni Heart.

“Grabe iniyak ko nung nakita ko IG stories mo… Ramdam ko yung happiness mo at ni Kuya. Sana dumami pa ang kagaya mo na may napaka-busilak na puso. Continue to inspire everyone.”

“You were indeed such a great blessing Saint Love Marie. God bless you abundantly.”

“OMG Ms. Heart. This is making my heart melt in happiness. God bless you po.”

“Napakabuti po ng puso niyo…napaluha ako sa IG story niyo..kitang kita at ramdam ko ang kaligayahan niyo para kay kuya..God Bless You more Miss Heart.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending