SEA GAMES: Monica Torres kampeon sa women’s duathlon
SUBIC BAY BOARDWALK – Itinala ni Monica Torres ang dalawang oras, walong minuto at 44 segundo upang tangahaling reyna ng 2019 Southeast Asian Games women’s duathlon event Lunes ng umaga dito.
Tumapos sa ikalawang puwesto si Pareeya Sonsem ng Thailand (2:11:18) habang nasa ikatlong puwesto si Thi Phuong Trinh Nguyen ng Thailand (2:14:20).
Agad na kumalas sa unang bugso pa lang ng 10km-40-km-5km race ang 35-anyos para dominahin ang mga katunggali na madalas na ring nakakalaban ni Torres sa ibang international competitions.
“Expected naman natin na strong ‘yung showing nila e. More or less, magkakakilala naman na kaming naglalaro dito within the region,” sabi ni Torres. “Mayroon diyan mga one or two na surprise na hindi namin masyadoimng nakikita. Ready naman po tayo. Expected naman po na may magpo-podium sa lahat ng triatlon at duathlon.”
Nahulog naman sa ikaanim na puwesto ang isa pang Pinoy na si Jeisie Sabado sa oras na 2:19:17.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.