Chronic dermatosis | Bandera

Chronic dermatosis

Dr. Hildegardes Dineros - July 31, 2013 - 07:00 AM

HELLO doc, ano po ba ang pagkakaiba ng eczema sa skin asthma? Yung anak ko kasi ay di na gumaling ang eczema sa paa na laging nagbabalat, nagsusugat pa nga at minsan ay nangangati.

Marami na kaming gamot na naibigay, nandiyan ‘yung momate, Canesten cream, pero pabalik-balik lang. Ilang beses na rin namin siyang dinala sa derma, pero bumabalik pa rin. Ano po kaya ang mabisang gamot dito? Salamat po. —Mayumi, ng Quezon City

Salamat, Mayumi, sa iyong katanungan. Tungkol sa problema mo sa iyong anak, maaaring hindi eczema yang kaso niya. Malamang chronic dermatosis—ito ‘yung mixed fungal and bacterial infection.
Ganito ang maaari mong gawin: ibabad mo sa maligamgam na tubig ang paa ng iyong anak. Lagyan ang tubig ng POTASSIUM PERMANGANATE (KMnO4 1:10,000 solution), makikita mo nga lang na may pagka-pink ang pangbabad.
Ibabad ng 10-15 minutes, two times a day, tapos punasan ng dry tissue. Pagkatapos lagyan ng QUADRIDERM OINTMENT two times a day for two weeks. Tapos CLOTRASONE for two weeks din. Palaging panatilihing tuyo ang paa.
Doc, magandang araw sa iyo. May tanong lang po ako, ang UTI ba ay isang sexually transmitted disease? Pakipaliwanag naman po, doc. —Don, Paranaque City

Magandang araw din sa iyo, Don. Salamat sa tanong mo. Marami na tayong naririnig na ganyang tanong, salamat at ikaw ang malakas ang loob na nagtanong nito.
Mayroong ordinaryo o “non-specific UTI” na ito ‘yung laging kulang sa water intake, tapos mahilig pa sa maalat. At meron din namang “specific UTI” na siya ngang itinuturing na STD o sexually transmitted disease kagaya ng gonorrhea
at marami pang iba. Mag-ingat!

Lagi ko pong sinusubaybayan ang kolum n’yo, Dr. Heal. Sabi nila mabisa raw ang kape. Mataas ang antioxidant content nito. Bakit po kapag umiinom ako nito ay parang bumibilis ang tibok ng puso ko at hinihingal ako. Pero kailangan ko ang kape lalo na sa gabi dahil nagbibiyahe ako ng taxi. — Al Mercader, Bulacan

Mabisa ang kape. Sobra lang ang epekto nito sa iyo kapag sobra na ang iniinom mo. Tandaan, lahat ng sobra ay hindi na mainam.
Hindi pa rin mapapalitan ng kape ang sapat na pagtulog kung ikaw ay inaantok. Sapat na pagtulog ang kailangan kung ikaw ay inaantok. Senyales na kailangan mo ng tulog. Ang payo ko sa iyo at sa iba pang mga taxi driver, 12 hours lang dapat magmaneho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending