2 bus na may dalang banyagang delegado para sa SEA Games nagbanggaan
NAGBANGGAAN ang dalawang bus na may sakay na banyagang delegado para sa Southeast Asian Games sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Bocaue, Bulacan, Sabado ng hapon, na nagdulot ng minor injuries sa ilang sakay nito, ayon sa pulisya.
Sakay ng no. 40 at 42 ang mga delegado mula sa Laos at Vietnam patungong Philippine Arena, kung saan gaganapin ang pagbubukas ng SEA Games, ayon sa ulat mula sa PNP public information office.
Nangyari ang insidente sa harap ng isang gasoline station sa kahabaan ng NLEX southbound lane, ganap na alas- 4:15 ng hapon
Aksidente nabangga ng bus 42, na sakay ang mga delegado mula sa Vietnam, ang hulihang bahagi ng bus 40, na sakay ang mga delegado mula sa Laos.
“The impact caused minor injuries to a still undetermined number of passengers and still unestimated damages,” ayon pa sa ulat.
Base sa inisyal na imbestigasyon, bigla na lamang huminto ang isa pang sasakyan na nasa unahan, dahilan para magpreno ang driver ng bus number 40. na si Joey Bautista.
Naging dahilan ito para mabangga ng kasunod na bus 42, na minamaneho ni Leo Jay Serez, ang likuran ng bus number 40, dagdag pa ng ulat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.