John may ex-dyowa na ayaw nang makita; Arra mambibiktima sa TBATS

By Ervin Santiago December 01,2019
share this

John may ex-dyowa na ayaw nang makita; Arra mambibiktima sa TBATS

By Ervin Santiago December 01,2019
share this

JOHN ESTRADA

TULOY ang pagratsada sa ratings game ng paborito n’yong pampa-good vibes tuwing Linggo ng gabi, ang The Boobay And Tekla Show. Winner na naman ang episode ng TBATS last Sunday kaya naman mas lalo pang na-inspire sina Boobay at Tekla na pasayahin ang bawat weekend n’yo!

Sa pagpasok ng unang araw ng December, siguradong hindi na naman kayo titigil sa katatawa sa mga bagong paandar at pasabog ng TBATS. Una na riyan ang pagbisita ng magaling na aktor na si John Estrada. Siya ang uupo sa hot seat para sa naughty and revealing segment na “Feeling the Blank.” Alamin kung sino sa mga past dyowa ni John ang ayaw na niyang makita, ever again!

Abangan din ang mga Kapuso promising child actors na sina Euwenn Mikaell, Raphael Landicho at Jorden Suan sa kanilang pakikipagbatuhan ng punchline sa Q&A segment with Boobat and Tekla. Promise, hindi n’yo kakayanin ang pakikipagchikahan nila sa TBATS hosts!

Para naman sa nakakalokang hidden camera segment ng show na “Pranking In Tandem”, makikigulo ang Madrasta lead star na si Arra San Agustin sa pambibiktima sa babaeng nagtitinda sa isang bazaar. Laugh trip na walang patumangga na naman ang mangyayari sa gagawin ni Arra sa kanyang victim.

Pasan.PH. Amid the Christmas rush, the traffic jams, and the poor public transport, may alternative ride-hailing service app na pwede n’yong gamitin, ang “Pasan.PH.” Commuters who book through the app will be serviced by human rides – a traffic-free, ecofriendly piggyback-ride to the destination of their choice. Sakay na!

At nagbabalik din ngayong Linggo ang super funny portion na “Dear Boobay and Tekla.” Dito sasagutin nina Boobay at Tekla ang tanong ng letter sender kung paano sosolusyunan ang mga budget-related problems, lalo na ngayong holiday season. Kaya huwag na huwag aabsent this Sunday night sa inyong weekend comedy variety fix, ang The Boobay And Tekla Show right after Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA 7 lang.

*

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending