outbrain

Male singer wanted sa bugaw: nag-booking ng 3 callboy pero kulang ang bayad

By Cristy Fermin December 01,2019
share this

Male singer wanted sa bugaw: nag-booking ng 3 callboy pero kulang ang bayad

By Cristy Fermin December 01,2019
share this

HINDI siyempre siya umaamin pero maraming nakakaalam na kuwestiyonable ang kasarian ng isang male performer. At kapag inaapuntahan siya ng init ng katawan ay kumokontak siya sa mga Boogie Wonderland (read: pimp).

Iba-ibang naglalako ng karneng buhay ang kanyang tinatawagan, matagal na niyang ginagawa ang ganu’n, kilalang-kilala na siya sa merkado ng mga becki.

Pero mukhang nahihirapan siya ngayon, parang pinagkakaisahan siya ng mga bugaling, meron kasi siyang atraso sa isang miyembro ng samahan.

 

Kuwento ng aming source, “Kapag kasi nag-report ang isang member ng grupo na niloko siya sa pera ni ganito at ganyan, e, tinatatakan na nila ‘yun!

“Hindi naman sa blacklisted, kung sakaling nangailangan siya, e, kailangang bayaran niya muna ang complete amount, or else, hindi na siya bibigyan ng kailangan niya para sa kanyang happiness.

“So, nu’ng minsan nga, e, kumuha siya ng tatlong guys na makakasama niya sa magdamag. Ewan kung bakit tatlo, siya lang ang nakakaalam kung bakit, pero hindi siya nagbayad sa bugaling ng para sa tatlo, dalawa lang ang binayaran niya.
“Tinatawagan siya palagi ng bugaling, pero hindi niya sinasagot. Sangkatutak na text na rin ang ipinadadala ng Boogie Wonderland, pero dinededma lang niya!
“Masakit ang loob ng bugaling dahil nag-abono siya du’n sa isang guy, kailangan niyang bayaran ang kinuha ng male personality, dahil kung hindi, e, baka mabugbog pa siya!” mahabang kuwento ng aming impormante.
Sayang, mabait pa naman daw ang male performer, ayon sa bugaling, kahit daw ang mga alaga nitong mhin ay gustung-gustong nakakasama ang male singer dahil maraming ibinibigay na giveaways sa kanila.
Patuloy na chika ng aming source, “Very generous pa naman daw ang male performer na ‘yun, hindi tulad ng ibang becki na pagkatapos ng lahat, e, babu na agad!
“Itong male performer na ito, e, nagpapauwi pa ng kung anu-ano sa mga guys, meron silang take home na t-shirts, sabon at kung anu-ano pa.
“Sumablay lang siya nu’ng minsan, dahil binigyan niya ng mismong CD niya ang isang guy na ginetlak niya sa Boogie Wonderland! Buking ang lola n’yo!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.
Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, wala nang clue, siguradong kilala n’yo na kung sino ang male performer na ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending