UMABOT sa 13 katao ang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa Mandaluyong noong Biyernes na tumagal ng walong oras, ayon sa city fire department.
Sinabi ni Mandaluyong City Fire Marshal Supt. Christine Cula na wala namang nasawi sa sunog, bagamat 13 residente ang nasugatan.
Mahigit 2,000 kabahayan ang apektado ng sunog na tumupok sa mga bahay sa kahabaan ng Martinez st sa Barangay Addition Hills.
Nagsimula ang sunog ganap na alas-3:15 ng hapon at itinaas sa Task Force Alpha makalipas ang mahigit isang oras.
Nakontrol ng mga bumbero ang sunog makalipas ang halos pitong oras.
Naapula ang sunog ganap na alaa-11:44 ng gabi.
Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.