Pagbubuntis ni Heart false alarm: Sobrang nabusog lang ako sa chicken | Bandera

Pagbubuntis ni Heart false alarm: Sobrang nabusog lang ako sa chicken

Jun Nardo |November 30,2019
facebook
share this

Pagbubuntis ni Heart false alarm: Sobrang nabusog lang ako sa chicken

Jun Nardo - November 30, 2019 - 12:05 AM

CHIZ ESCUDERO AT HEART EVANGELISTA

SORRY, false alarm!

Mariing idinenay ni Heart Evangelista ang balitang buntis na uli siya sa panganak na anak nila ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero. Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, sinabi ng Kapuso actress-TV host na busog lang siya kaya medyo nagkaumbok ang kanyang tiyan.

“Guys I’m pregnant with Bonchon chicken not pregnant pregnant,” tweet ng misis ni Chiz.

Marami ang nag-speculate na buntis si Heart matapos mag-post ng litrato kung saan nakakandong siya sa kanyang asawa. Napansin ng mga netizens ang kamay ni Gov. Chiz na sapu-sapo ang tila baby bump sa tummy ng Kapuso actress. But it turned out, busog lang pala si Heart.

Kung matatandaan, dalawang beses nang nakunan si Heart sa panganay sana nilang anak ni Chiz, kambal pa nga ang kanyang dinala sa ikalawa niyang pagbubuntis pero hindi rin ito natuloy.

Inamin ng Kapuso actress na matinding depresyon ang pinagdaanan niya nu’ng mga panahong iyon pero talagang sinikap niyang makapag-move on para sa kanyang asawa at pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending